Maituturing na ‘wedding of the year’ ang kasal ng dalawa sa mga hinahangaang OPM artist ngayon sa bansa na sina KZ Tandingan at TJ Monterde.

Nitong October 8 lamang ay ginulat nina KZ at TJ ang lahat nang inanunsyo nila ang kanilang kasal na ginanap pa noong August 28. Idinaan nina KZ at TJ ang anunsyo sa pamamagitan ng music video ng kanilang kantang “Can’t Wait To Say I Do”.

Sa ilalim ng 300-year old Mango Tree at sa harap ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan, ay nangako sina KZ at TJ na mamahalin nila ang isa’t isa “for the rest of their lives”.

Sa music video, mapapanood ang magical wedding ceremony nina KZ at TJ. Ginanap ang kanilang intimate garden wedding sa The Farm at San Benito, isang kilalang wellness hotel sa Batangas.

Suot ang kanyang wedding suit na pinaresan niya ng isang pearl necklace ay pinahanga ni KZ ang lahat dahil sa kanyang kagandahan habang naglalakad papunta sa kanyang groom. Napakagwapo rin ni TJ suot ang kanyang brown suit at malaking ngiti.

Kapansin-pansin sa mukha nina KZ at TJ ang kasiyahan dahil sa wakas dumating na ang araw na kanilang pinakahihintay, iyon ay ang masabi nila sa isa’t isa ang mga salitang “I Do”.

Sa isang post sa Instagram, ipinahayag ni KZ ang kanyang pasasalamat sa Diyos, sa kanilang pamilya at mga kaibigan na saksi sa kanilang pag-iisang dibdib.

Pagsisimula ni KZ, “God finally made our ’’Puhon’’ a reality. With only a handful of people and our families attending through zoom, we held our symbolic wedding under a 300 hundred-year-old Mango tree.”

Dagdag ni KZ, “We didn’t think we could get married this year because our families are in Mindanao and couldn’t fly in. But our folks being the selfless, understanding, and amazing parents they are, encouraged us to get wed.”

Hindi nagawang makadalo ng mga magulang ni KZ sa kanyang kasal bunsod pa rin ng epekto ng p@ndemya. Kaya nakasama lamang nila ang kanilang magulang sa pamamagitan ng isang video conferencing app. Gayunpaman, nagpapasalamat naman si KZ sa kanyang tumatayong ikalawang ama na si singer-songwriter Martin Nievera. Ito kasi ang naghatid sa kanya sa kanyang mapapangasawa.

Kwento ni KZ, “Bittersweet getting married without my parents walking me down the aisle, but I’m thankful that my other dad, @martinnievera, stepped in to give me away…”

Samantala, nag-post din si TJ ng larawan nilang dalawa ni KZ na kinunan sa araw ng kanilang kasal.
Ani TJ sa caption, “sa piling mo, bumabagal, humihinto ang mundo” 🌍

December noong nakaraang taon ay inanunsyo nina KZ at TJ ang kanilang engagement.