Albert Martinez, may bagong look na mas nagpatingkad sa kanyang kagwapuhan sa edad na 60!

Hindi maikakailang isa si Albert Martinez sa pinakagwapong aktor sa Philippine showbiz. Matatandaang noong 1980s kung kailan umusbong ang kanyang kasikatan at karera bilang isang aktor, isa si Albert sa matinee idols na minahal at hinangaan ng maraming manonood lalong-lalo na ng mga kababaihan.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Tila hindi naman kumukupas at agaw-pansin pa rin ang taglay na kagwapuhan ni Albert kahit sa edad na 60!

Kamakailan nga lang ay umani ng papuri si Albert mula sa mga netizen dahil sa kanyang bagong look na mas lalong nagpatingkad sa kanyang kagwapuhan at karisma!

Sa mga litratong ibinahagi ng Nice Print Photography na kinunan mula sa binyag ng kanyang apo ay na-spottan si Albert ng mga netizen na naka-full beard na ngayon habang puti naman ang buhok nito.

Talaga namang looking young, h0t at gwapo ng aktor sa kanyang senior years!

Credit: @niceprintphoto Instagram

Kaagad ngang napansin ng marami ang bagong look ni Albert na umani naman ng papuri at ‘approval’ sa mga netizen. Narito ang ilan lamang sa mga komento nila:

“So gwapo ni sir albert martinez”

“Ampogi naman ng lolo”

“Little chubby na si Lolo but still pogi”

Credit: @niceprintphoto Instagram

Dahil gwapo pa rin ang beteranong aktor, marami tuloy ang nagtatanong kung ano ang sikreto niya para magmukhang bata pa rin sa edad na 60.

Ibinunyag naman ni Albert sa isang nakaraang panayam ang kanyang sikreto sa pagkakaroon pa rin ng ‘youthful look’ sa kabila ng pagiging senior citizen. Kabilang dito ang pagiging aktibo at pagkakaroon ng proper diet.

Pagbabahagi pa niya, “I’m officially a senior citizen. I’m 60 years old with real white hair. But through the years kasi, even when I was young, talagang I’m into working out, eating properly, and not abusing myself.”

“And I know ito ‘yung investment namin dito sa industry, we make sure to stay looking good,” dagdag niya.

Credit: @niceprintphoto Instagram

Lingid sa kaalaman ng karamihan, mayroon nang apat na apo ang beteranong aktor, isa sa kanila si baby Arturo habang ang isa naman ay paparating pa lamang.

Si baby Arturo ay apo ni Albert sa kanyang unico hijo na si Alfonso. Mayroon namang isang apo si Albert sa kanyang panganay na si Alyanna na si Adalynn Riley.

Samantalang magkakaroon naman ng bagong kapatid ang apo ng aktor na si Amati Mari dahil buntis ngayon sa kanyang pangalawang anak ang isa niyang babaeng anak na si Alissa.

Si Albert ay nabiyudo noong 2015 matapos pumanaw ang kanyang asawang si Liezl dahil sa isang malubhang sak!t.