Alden Richards, handang tulungan at pahiramin ng kalahating milyong piso ang kaibigang si Valeen Montenegro

Pinatunayan ni Kapuso TV host-actor Alden Richards sa lahat na ang tunay na kaibigan ay handang tumulong sa oras ng kagipitan.

Credit: Alden Richards Instagram  

Sa isang vlog episode kasi ni actress-vlogger Valeen Montenegro ay nasukat hindi lang ni Valeen kung hindi pati na rin ng netizens ang kabutihang loob ni Alden bilang isang kaibigan. Sa Vlog na ito ay kasama ni Valeen sila Lovely Abella at Benj Manalo.

Credit: Valeentawak Vlogs YouTube

Kahit pina-prank lang kasi siya ng kaibigan ay walang pagdadalawang-isip na pumayag si Alden na pautangin ito ng P500K. Pati mismo si Valeen ay hindi makapaniwala na papautangin siya ni Alden.

Sa umpisa ng vlog ay sinabi muna ni Valeen ang kanyang problema kay Alden. Ani Valeen, “Oh my gosh. Sorry nahihiya ako. Kasi may problem ako so…sorry busy ka ba? I’ll cut to the cr@p. As in deretsuhin na kita. Kasi di ba like from the start of the year nagkaroon ako ng problems with my dad and everything all the hospitalization. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako nakakabayad. Wala tayong work ngayon so nahirapan din ako with everything like rent, bills.”

Credit: Valeentawak Vlogs YouTube

Pagkatapos maikuwento ang kanyang problema, tinanong na ni Valeen si Alden kung papayag ba itong magpautang ng pera.

“Ok lang ba na manghiram ako ng money sa’yo? Pero babayaran kita promise after everything is over. Baka next year.”

Credit: Valeentawak Vlogs YouTube

Hindi naman pinaghintay pa ni Alden si Valeen at tinanong nito kung magkano ang uutangin ng kaibigan. Ani Alden, “Let me know para maayos ko din ‘yung finances ko.”

Hindi naman inaasahan ni Alden na malaki ang halagang uutangin ni Valeen.

“Ok lang bang 1 million?”, tanong ni Valeen.

Tugon ni Alden, “Naku po! Teka lang ha? Tawagan kita ulit.”

Credit: Valeentawak Vlogs YouTube

Puputulin na sana ni Alden ang tawag para tingnan kung may sapat ba siyang pera para ipautang kay Valeen. Medyo malaki-laki rin kasi ang 1 milyon. Kaya ginawa na ni Valeen ang kanilang plan-B at binabaan sa P500K ang uutanging pera.

Hindi naman mapigilan ni Valeen na maging emosyonal lalo na’t bukas si Alden na pautangin siya. Ani Alden, “Tingnan ko lang ‘yung mga papasok sa akin this month. Tulungan kita diyan. Don’t worry. I’ll get back to you. Promise.”

Credit: Alden Richards Instagram

Dagdag ni Alden, “Huwag mo nalang sabihin sa iba. Tayo nalang nakakaalam.”

Sa parteng ito ng vlog, ibinunyag na ni Valeen kay Alden na pina-prank lang siya nito.

Natatawang pag-amin ni Valeen, “Sobrang bait mo Alden. I’m so sorry. IT’S A PRANK!”

Credit: Alden Richards Instagram

Samantala, sa huling bahagi ng vlog ay ikwenento ni Valeen na unang beses niya pa lang tinawagan si Alden at sobrang na-touch siya kasi walang pag-aalinlangan nitong sinagot ang tawag. Napatunayan umano ni Valeen kung gaano ka-totoong kaibigan si Alden.

Kwento ni Valeen, “Alam n’yo guys, hindi ko kasi tinatawagan ‘to si Alden and he’s the type of person that answers you. Grabe totoong kaibigan.”