Alden Richards, nakalikom ng mahigit P200,000 mula sa kanyang livestream gaming na ibibigay niya sa mga nasalanta ng bagy0ng Ulysses

Taos-puso ang pasasalamat ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa lahat ng taong nag-donate sa kanyang isinagawang livestream gaming nitong November 15 na nakalaan para sa mga nasalanta ng bagy0ng Ulysses.

Credit: Alden Richards Instagram   

Ayon kay Alden, 100% ng pera na kanyang nalikom mula sa kanyang livestream ay mapupunta sa mga b!ktima ng nagdaang bagy0ng Ulysses.

Bago maglaro si Alden ng sikat na online game na “Mobile Legends” ay hinimok muna niya ang kanyang mga tagahanga na manood at mag-donate para tulungan ang mga taong nasalanta ng bagyo.

Isang brandnew iPhone 11 Pro Max din ang ipina-giveaway ni Alden sa mga nanood ng kanyang livestream.

Credit: Alden Richards Instagram

Nitong Lunes nga, November 16, ay inanunsyo ni Alden na umabot sa mahigit P200,000 ang nalikom niyang pera sa ginawa niyang livestream gaming. Sa kanyang official Facebook page ay pinasalamatan naman ni Alden ang lahat ng tao na nag-donate at nanood sa kanyang livestream.

Mensahe ni Alden, “Maraming salamat sa lahat ng nag-donate. Patuloy po tayong tumulong sa abot ng ating makakaya sa mga nasalanta ng bagy0. God bless and keep safe. #ARgaming #UlyssesPH.”

Credit: Alden Richards Twitter

Sa mga hindi nakakaalam, 7 taong gulang pa lamang si Alden nang magsimula siyang maglaro ng mga video game.

Sa panayam ni Alden sa Kapuso showbiz news, inamin niya na sa kabila ng kanyang busy schedule bilang isang artista ay araw-araw pa rin siyang naglalaro ng mga online game. Para kasi kay Alden, isang paraan ang paglalaro niya ng mga online game para siya ay makapag-relax.

Credit: Alden Richards Instagram

Aniya, “I really play everyday on a daily basis despite not going live kasi outlet ko na siya…For me being a celebrity, alam natin that schedules are very tiresome…I used gaming as an outlet para ma-relax din ako at the same time.”

Nang mag-p@ndemya nga ay sinubukan ni Alden ang pagla-livestream na nagbibigay umano ng ekstrang income sa kanya. Maliban sa kumikita siya ay mas napapalapit din umano siya sa kanyang mga tagahanga.

Kwento pa ni Alden, “I actually converted my Facebook fan page into a gaming page…It’s also a good way of interacting to people who misses you especially the followers, the fans, ‘yung mga supporters natin diyan. Also, a way of helping them as well since I gave out giveaways.”

Bukod naman sa mga gadget kagaya ng tablet at cellphone ay nagpapa-giveaway din si Alden ng pera sa kanyang mga lucky viewer.

Credit: Alden Richards Instagram

Natutuwa naman si Alden dahil nakakapagbigay siya ng tulong sa mga tao na talagang nangangailangan.

Aniya, “Natutuwa ako kapag meron akong mga nabibigyan taong deserving nung tulong…It gives me more drive to give out prizes especially ngayon nga na we’re under a p@ndemic…In my small way, being a gamer ‘yun ‘yung nagagawa ko sa mga taong nangangailangan ng tulong…”