Magpapakilig muli ang tambalang AlEmpoy o ang mag-on screen partner na sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa kanilang reunion movie na “Walang KaParis”.

Talagang inaabangan ang reunion movie na ito nina Alessandra at Empoy dahil sa kanilang galing sa pag-arte at hindi maitatangging chemistry bilang loveteam.
Matatandaang huling nagsama ang mag-loveteam sa romantic comedy film na “Kita Kita” noong 2017 na sobrang pumatok sa mga manonood.
Ibinahagi naman ng direktor ng “Walang KaParis” na si Sigrid Andrea P. Bernardo ang ilang litrato ng AlEmpoy na kuha mula sa set ng pelikula.

Pinasabik ni Sigrid ang mga tagahanga ng AlEmpoy sa mga sweet at nakakatuwang litrato nina Alessandra at Empoy.
“Na miss mo ba sila? Ako rin! Kaya nag KITA KITA na muli kami! Kinilig ako. I’m sure sila rin! Abangan ang #AlEmpoy sa #WalangKaParis! Filming soon,” pahayag ni Sigrid sa Instagram.
Sa kanyang Instagram account, ay ipinasilip din ni Sigrid ang ilang behind-the-scene photos ng taping ng “Walang KaParis”.

Base sa mga social media update ng batikang direktor, December noong nakaraang taon pa nagsimula ang shooting ng “Walang KaParis”.
Sa katunayan, bago magtapos ang taong 2020, ay natapos na umano nila ang first leg ng shooting ng “Walang KaParis”.

Ani Sigrid, “Day 5. Done with our first leg of shoot. Congratulations team #WalangKaParis! Thank you and see you next year! Merry Christmas and a Happy New Year!”
Si Sigrid din ang sumulat at nag-derek ng “Kita Kita” na unang movie project ng AlEmpoy tandem ngunit nilinaw niya na hindi sequel ng nauna niyang likha ang “Walang KaParis”.
Sa isang panayam sinabi ni Sigrid na “totally different” ang storya ng “Walang KaParis” sa “Kita Kita”.

Ani Sigrid, “This is a totally different story. Alessandra and Empoy will reunite in the city of love—Paris, thus the title Walang Ka-Paris.”
Kino-produce naman ng Viva Film at Spring Film ang “Walang KaParis”. Sa ngayon ay wala pa ring tiyak na petsa kung kailan ipapalabas ang “Walang KaParis”.
Excited naman ang ilang fans ng tambalang AlEmpoy para sa “Walang KaParis”.

Sa Instagram ay inihayag ng ilang fans ang kanilang excitement para sa darating na reunion movie ng AlEmpoy. Komento nila:
“Siguro kayo ang tinadhana bagay na bagay kayo team kita kita”
“Nakakasabik na muli kayong makita sa iisang pelikula”

“Aabangan ko ang next movie niyo. Lab you both!”