Alex Gonzaga, blooming na bride-to-be nang maging modelo at magsuot ng mga wedding gown para sa isang photoshoot

Isa sa mga inaabangang celebrity wedding ngayong taon ay ang kasal nina actress-vlogger Alex Gonzaga at Lipa City councilor Mikee Morada. May pasilip naman si Alex sa magiging ‘bridal look’ niya sa araw ng kasal nila ni Mikee.

Credit: Joe San Antonio Instagram     

Mukhang may ideya na nga ang mga netizen kung gaano kaganda at ka-elegante si Alex suot ang kanyang wedding gown matapos nilang makita ang mga litrato nito na suot ang iba’t ibang magagandang wedding gown.

Credit: Joe San Antonio Instagram

Kamakailan kasi ay kinuhang modelo ng mga wedding gown si Alex ng fashion designer na si Joe San Antonio para sa “La Grace” Bridal Couture collection nito. Sumisigaw ang pagiging elegante ni Alex suot ang mga wedding gown. Tila ginawa rin ang mga wedding gown para kay Alex.

Ayon nga sa isang Instagram post ni Joe, “perfect muse” umano si Alex para sa kanyang mga ginawang wedding gown.

Credit: Joe San Antonio Instagram

Ang ideya sa likod ng mga wedding gown na ginawa ni Joe ay nakasentro sa temang ‘grace’ na ang ibig sabihin umano ay ‘elegance’ at ‘goodwill’.

Pahayag ni Joe, “La Grace was born out of the two essences of the word ‘grace’ – elegance and goodwill. These and the refined values of a classic bride is the La Grace dream, fulfilled by Alex Gonzaga – our muse and the collection’s purest embodiment.”

Credit: Joe San Antonio Instagram

Napawow naman ang maraming netizens sa ganda ni Alex suot ang mga wedding gown.

Dahil sa pagmo-modelo ni Alex ng mga wedding gown ay hindi maiwasan ng mga netizen na ma-excite sa kanyang paparating na kasal. Tiyak kasing napakaganda at napaka-elegante ni Alex sa kanyang mismong wedding gown. Komento ng netizens:

Credit: Joe San Antonio Instagram

“So pretty ate Cathy excited na kami para sa wedding niyo ni kuya mikee”

“Now I know how you look…in your wedding day. That beauty is super😍♥️♥️ “

“I can’t wait to see you Wearing your Wedding Gown”

Credit: Joe San Antonio Instagram

Tatlong taon din na naging magkasintahan sina Alex at Mikee bago sila na-engage noong December 2019 sa Hong Kong.

Maaaring noong nakaraang taon pa sana sila naikasal kung wala lamang p@ndemya.

Credit: Joe San Antonio Instagram

Samantala, kahit hindi pa naikakasal sina Alex at Mikee ay sinisimulan na nilang ipagawa ang kanilang magiging bahay base sa isang Instagram update ni Alex.