Alex Gonzaga, ibinahagi ang kanyang throwback video na kinakitaan ng kanyang natural na galing sa pagpapatawa

Nakilala ang celebrity/vlogger na si Alex Gonzaga at kinagiliwan ng mga manonood dahil sa kanyang likas na kakulitan at galing sa pagpapatawa.

Credit: @cathygonzaga Instagram

Sa kanyang pagiging hurado sa programang “ I Can See Your Voice“ na pinangunahan ng celebrity host na si Luis Manzano na isa sa madalas niyang kakulitan, mas lumabas ang pagiging komikera ni Alex na lalong nagpasaya sa nasabing programa kasama ang iba pang kapwa hurado na sina Bayani Agbayani, Andrew E., Angeline Quinto, Wacky Kiray at Kean Cipriano.

Mapapanood din ang mga nakakatuwang vlogs ni Alex sa kanyang YouTube channel na kakikitaan ng kanyang pagbibiro at pangugulit sa iba’t-ibang personalidad. Kabilang na dito ang media executive at aktres na si Charo Santos-Concio, Mayor Vico Sotto, Mayor Isko Moreno at Raffy Tulfo. Kasama din sa mga kinukulit ni Alex ang kanyang pamilya lalo na si Mommy Pinty.

Credit: @cathygonzaga Instagram

Sa isang throwback video na kanyang ibinahagi sa Instagram, makikita na kahit pala noong siya ay bata pa lamang ay sadya na ang kanyang pagiging bibo at pagbibigay ng kasiyahan sa kanyang pamilya.

“Bata palang pabida na talaga….Pinapatawa ko mga lola ko na galing America pero alalang alala ko after 15mins napal0 ng daddy kasi nag-overboard na naman. Kaya nung bigayan pasalubong tahimik na ko,” caption ni Alex sa nasabing post sa Instagram.

Makikita sa video ang noo’y bata pa na si Alex. Maririnig ang boses ng kanyang Mommy Pinty na sinabing kapag napatawa niya ang kanyang lola ay mayroon siyang prize.

Bibong-bibo namang sumang-ayon si Alex at gumitna pa habang napapalibutan ng karamihan at nagrecite ng tula sa harapan ng kanyang lola.

Credit: @cathygonzaga Instagram

“The sun is up in the sky when it is morning,“ ani Alex sa nasabing video. Agad maririnig ang tawanan hindi lamang ng kanyang lola maging ang mga nakapaligid sa kanya.

Credit: @cathygonzaga Instagram

Napasaya niya ang mga nakapaligid ngunit dahil sa sobrang kakulitan ay napalo ng kanyang ama kaya pagsapit ng bigayan ng pasalubong ay tahimik na lamang siya.

Credit: @cathygonzaga Instagram

Gayunpaman makikitang maliit pa lamang ay sadyang likas na kay Alex ang magpatawa at magbigay kasiyahan sa mga manonood bagama’t minsan ay sumosobra at makikitang sinasaway siya ng kanyang Ate Toni at Mommy Pinty, hindi maitatangging nakakatuwa din naman ang kakulitan ni Alex.