Alex Gonzaga, ibinahagi ang malungkot na nangyari sa kanyang unang pagbubuntis

Isang malungkot na balita ang ibinahagi kamakailan lang ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa kanyang milyun-milyong followers sa social media.

Credit: @cathygonzaga Instagram

Sa isang Instagram post nitong Linggo, October 17, ikwenento ni Alex na nagkaroon siya ng @nembryonic pregnancy, isang uri ng misc@rriage na madalas nangyayari sa mga unang linggo ng pagbubuntis ng isang babae.

Credit: @cathygonzaga Instagram

Ayon kay Alex, dalawang buwan na ang nakakaraan nang malaman nila ng kanyang mister na si Mikee Morada na siya ay nagdadalang-tao. Ngunit noong nakaraang linggo lamang ay natanggap nila ang balita tungkol sa kalagayan ng kanyang pagbubuntis.

Credit: @cathygonzaga Instagram

“Hi. 2 months ago we found out that I was pregnant and 3 weeks ago, we got a heartbreaking news that we might be having an @nembryonic pregnancy (bl!ghted 0vum),” pagbabahagi ni Alex.

Ibinunyag naman ni Alex na naghintay pa silang mag-asawa na matapos ang proseso ng kanyang pagbubuntis. Kwento pa niya na sa kalagitnaan ng kanilang paghihintay ay hindi umano sila nawalan ng pag-asa at patuloy pa rin nilang ipinagdadasal na mayroong ma-develop na embryo sa kanyang sinapupunan.

Credit: @cathygonzaga Instagram

Gayunpaman, tuluyan na umanong nagwakas ang kanyang “first pregnancy” nitong October 12 lamang. Inamin naman ni Alex na hinintay lamang talaga nilang matapos ang kanyang pagbubuntis bago nila ibahagi sa mundo ang kanilang first pregnancy journey.

“Our doctor advised us to wait for the process to naturally take its course. So we had to wait for awhile for the pregnancy to finally end before we can tell our story,” ani Alex.

Credit: @cathygonzaga Instagram

Dagdag pa niya, “The waiting and praying tested our faith and there were a lot of crying. Everyday we were clinging on to a miracle that an embryo would still appear but last Tuesday (Oct12), the Lord’s will prevailed and we finally closed the book of our first pregnancy.”

Hangad naman ni Alex na sa pamamagitan ng pagbabahagi nilang mag-asawa ng kanilang karanasan ay makapagbigay sila ng pag-asa sa mga mag-asawa na nakakaranas din ng parehong sitwasyon.

Credit: @cathygonzaga Instagram

Mensahe pa niya para sa ibang couples, “To any couple who’s going through this or who might go through this pain, don’t ever lose hope. It’s not your fault this happened. At your own pace you can start to grieve and heal…”

Samantala, sa huling bahagi ng kanyang post ay isang madamdaming mensahe ang iniwan ni Alex para sa kanilang unborn baby.

Credit: @cathygonzaga Instagram

Aniya, “To our baby whom we almost had, thank you for giving mommy and daddy joy even for a short span. Lastly, thank you to everyone who gave us time to heal.”

Credit: @cathygonzaga Instagram

Matatandaang ikinasal sina Alex at Mikee noong November 2020.