Ipinasilip ng sikat na vlogger na si Alex Gonzaga ang nabili niyang condominium unit sa Pasig City sa kanyang latest vlog.
Credit: Alex Gonzaga Official YouTube
Kwento ni Alex, bunga ng kanyang investment at kinita mula sa pagtatrabaho bilang isang artista at vlogger ang kanyang bagong condo.
“Well, netizens, alam n’yo naman dahil kahit papaano medyo matagal-tagal na rin akong nag-aartista at nagba-vlog so may mga napundar tayo,” pahayag ni Alex sa umpisa ng vlog.
Mayroong dalawang kwarto ang 119 sqm. na condo unit ni Alex na nabili umano niya sa Pasig City.
Credit: Alex Gonzaga Official YouTube
Sa simula ng vlog ay ipinakita ni Alex ang loob ng kanyang condo na wala pang mga furniture. Pagkatapos namang ipasilip ni Alex ang bawat bahagi ng kanyang condo ay nagtungo siya sa isang furniture store ng isang mall para mamili ng furnitures o mag-furniture hunting.
Pinayuhan daw umano kasi siya ng kanyang broker na gawing fully-furnished ang kanyang condo para naman ready na itong tirhan ng mga rerenta nito.
“So ngayon ang gagawin natin is ipapakita ko sa inyo itong aking isang investment na hopefully after ng vlog na ito may mag-renta,” saad ni Alex.
Credit: Alex Gonzaga Official YouTube
“Sabi kasi ng aking broker na sana raw mapaayos ko ‘to. Fully-furnished para if ever man may rerenta papasok na lang siya,” dagdag pa Alex.
Isa naman sa mga basehan ni Alex sa pagbili ng mga furniture na ilalagay sa kanyang condo ay dapat multipurpose ito tulad na lamang ng nabili niyang sofa bed.
Pagkatapos mamili ay kaagad na pinaayos ni Alex ang kanyang condo. Sa finished look ng condo, makikita na simple at tila minimalist ang kabuuang desenyo nito.
Mula sa sala, dining area at master’s bedroom ay sinigurado ni Alex na maganda at talagang multipurpose ang mga inilagay niyang furniture para tipid sa space.
Credit: Alex Gonzaga Official YouTube
Sa huling bahagi ng vlog, mapapanood naman ang pagbisita ng ina at tiyuhin ni Alex.
Napa-w0w ang mga ito sa ganda ng mga furniture na nabili ni Alex at sa kabuuang desenyo ng condo. Lumabas naman ang pagiging komedyante ni Alex at biniro niya ang kanyang Mommy Pinty at Uncle Jojo na ililipat na niya ang mga ito sa kanyang condo.
Credit: Alex Gonzaga Official YouTube
“Welcome to your new home! Dito ko na kayo ititira ng daddy tsaka ni Uncle kasi binenta ko na yung bahay sa TayTay panggawa sa Alabang. Kasi kailangan nga natin ng budget pangpagawa ng bahay namin ni Mikee,” biro pa ni Alex.
“So netizens naipwesto ko na po ang aking mga magulang,” pagtatapos ni Alex sa kanyang condo tour vlog.