Alex Gonzaga, ipinasilip ang “future home” nila ng fiancè na si Mikee Morada

Ipinasilip ng celebrity vlogger na si Alex Gonzaga ang ipinapagawang bahay nila ng kanyang fiancè na si Lipa City councillor Mikee Morada.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Alex ang isang larawan kung saan makikita sila ni Mikee na nakatayo sa lugar kung saan nila itatayo ang kanilang bahay. Nagbigay din si Alex ng update sa konstruksyon ng ipinapagawa nilang bahay ni Mikee.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Ayon sa sikat na vlogger, “Our demolish is halfway done to build our new and future home. Parang Samson and Delilah datingan namin pagkatapos magbabag.”

Nag-post din si Alex sa Twitter ng mga larawan nila ni Mikee habang nasa kanilang “future home”. Ani Alex sa caption, “Many are the plans in a man’s heart, but it is the Lord’s purpose that prevails. May God bless our future home.”

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Bagaman hindi pa ibinabahagi ng celebrity couple kung kailan gaganapin ang kanilang kasal, matatandaang sinabi noon ni Alex sa kanyang vlog na ikakasal sana sila ni Mikee nitong October kung hindi lamang sila nag-pos!t!bo sa sakit na c0v!d.

Sa kanyang vlog, emosyonal na ikwenento ni Alex na nag-p0s!t!bo silang dalawa ni Mikee pati na rin ang mga magulang niya sa c0v!d kaya naman kinailangan muna nilang i-postpone ang kanilang kasal.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Kwento ni Alex sa vlog, “Sobrang nasira lahat ng plan ko ngayong October. Gusto ko ikasal ngayon kasama ‘yung family, konting friends…pero dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay, nagkaroon kami ng C0V!D.”

Dagdag niya, “Kailangan ko baguhin lahat ng plan ko…Gusto mo ikasal, pero hindi ka naman puwede. Gusto mo ikasal, pero ito ‘yung nangyari so parang hindi mo alam kung itutuloy mo pa o hindi.”

Samantala, nitong November lamang ay nag-celebrate ng kanilang 4th year anniversary bilang magkasintahan sina Alex at Mikee.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

At nitong December 4, sa season finale ng online talk show ni Kapamilya actress Angelica Panganiban na “Ask Angelica”, inilarawan ni Alex si Mikee bilang kanyang “One Great Love”. Inamin din ni Alex na na-inspire siyang maging isang mabuting tao dahil kay Mikee.

Aniya, “Ang pinaka-nagustuhan ko kay Mikee, talagang he brought out the best in me. Noong time na na-meet niya ako, heartbroken ako. Feeling ko nakikita ako ng tao as loser, or parang ‘walang kwenta ‘to,’ kahit ‘yung ate ko parang pasuko [na din sa akin]”

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Dagdag niya, “Pero nung nakita ako ni Mikee, para ba akong prized possession. ‘Yung parang hindi niya naisip ‘yung masasama sa akin, ang nakita lang niya sa akin, maganda. Kaya parang na-inspire ka, hindi ‘yung pinipilit mong maging mabuti, na-inspire ka talaga na maging mabuting tao, hindi para sa kanya kundi dahil masaya ka lang, kaya gusto mong i-spread ‘yung happiness na ‘yun.”