Alex Gonzaga, sinubukan kung maniniwala sa kanya ang pamangking si Seve na siya ang tunay nitong ina at hindi si Toni

Palaging laughtrip at good vibes ang hatid ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga sa mga netizen. Kamakailan nga ay pinahalakhak na naman ni Alex ang mga netizen matapos niyang gawin ang “I’m Your Mom” challenge sa kanyang pamangkin na si Seve.

Credit: Alex Gonzaga Instagram      

Sa video na ibinahagi ni Alex sa Instagram, mapapanood siyang masinsinang kinakausap si Seve. Sinabi ni Alex kay Seve na siya ang kanyang totoong ina at kapag siya ay nag-edad 5 na ay kukunin na siya nito mula kay Toni.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Ani Alex kay Seve, “Seve, you want to know a secret?”

Oo naman ang sagot ni Seve sa tanong ng kanyang Tita Alex na tinatawag din niyang “Tata”.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Pagpapatuloy ni Alex, “Okay, I’m going to tell you something. Seve, I’m your real mom. You came here [from my womb]. So, when you are five years old, I will get you na sa mommy mo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga)

Dagdag pa ni Alex, “You are going to call me mama na and then you are going to call your mama Tata, okay?”

Matapos marinig ang sinabi ng kanyang Tata Alex ay napapadyak na lamang ng kanyang mga paa si Seve dahil sa hindi pagsang-ayun.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Mariing sinabi ni Seve na hindi niya gustong maging ‘mommy’ si Alex at ang kanyang Mommy Toni lamang ang gusto niyang maging mommy niya.

Ani Seve, “No, I don’t like Tata. I want Mommy Tin.”

Tumakbo naman kaagad si Seve papunta sa kanyang Mommy Toni at niyakap ito. Tila nagsumbong din si Seve sa kanyang Mommy Toni.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Pursigido naman si Alex at ipinagpilitan kay Seve na siya nga ang kanyang tunay na ina.

Ani Alex, “No, I’m your mom.”

Tugon naman ni Seve, “I don’t like Tata to be my mom.”

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Sinabi naman ni Alex sa caption na ang challenge ay bahagi ng kanyang ‘ganti’ sa mga pambubul|y umano na natanggap ng mga katulad niyang bunso mula sa kanilang mga nakatatandang kapatid.

Samantala, bumenta naman sa mga netizen ang nakakatawang “I’m Your Mom” challenge video ni Alex.

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Sa panahong isinusulat ito ay umani na ng mahigit 1 million views ang video ni Alex sa Instagram.
Para naman sa mga hindi nakakaalam, si Seve ay anak ni Toni Gonzaga sa asawa nitong si Derek Paul Soriano.