May masamang karanasan ang aktres at YouTuber na si Alex Gonzaga sa pagmamaneho. Kaya naman sa nakalipas na pitong taon ay palaging ibang tao ang nagmamaneho para sa kanya. At dahil nasa qu@rantine pa rin tayo at nasa bahay lamang siya, naisipan ni Alex na magpaturo ng pagmamaneho sa kanyang Daddy Bonoy at mister na si Lipa City councilor Mikee Morada.
Credit: Alex Gonzaga Official YouTube
Ibinahagi ni Alex sa kanyang latest vlog ang naging driving lesson niya kung saan ay naging driving teachers niya ang kanyang Daddy Bonoy at si Mikee.
Sa umpisa pa lang ay nakatanggap na ng leksyon si Alex sa kanyang Daddy Bonoy.
Credit: Alex Gonzaga Official YouTube
Ani Daddy Bonoy, “Una kong tinuturo sa nagmamaneho kapag sinabi kong break, break.”
Halata na kinakabahan si Alex habang nagmamaneho dahil kahit malayo pa ang makakasalubong niyang sasakyan sa daan ay humihinto at tumatabi na siya.
May ilang pagkakataon din na biglang hihinto si Alex kahit na malayo pa siya sa gilid ng kalsada o sa pader. Maraming beses naman na napapagalitan si Alex ng kanyang Daddy Bonoy.
Credit: Alex Gonzaga Official YouTube
Sa vlog, napag-usapan din nila ang ate ni Alex na si Toni Gonzaga. Ayon kay Daddy Bonoy, mas madali umanong turuan si Toni kaysa kay Alex.
Saad nito, “Eh matigas ang ulo mo eh, di ka nakikinig. Ang ate mo, pag sinabi ko, tinitingnan ko lang, ginagawa niya. Tsaka siya, hindi pa siya nagmamaneho, pero pinag-aaralan na niya.”
Pinangaralan din ni Mikee si Alex. May iilang beses na pinagsabihan ni Mikee si Alex na huwag gawing biro ang pagmamaneho.
Credit: Alex Gonzaga Official YouTube
Saad ni Mikee, “Huwag ka nang mag-ganun parang ginagawa mong game.”
Mukhang napagtanto naman ni Alex na mas “strict” si Mikee kaysa sa kanyang ama.
Ani Alex, “Bakit ganito tong asawa ko napaka-strict pa pala sa daddy ko.”
Sa huli, matagumpay na natapos ang driving lesson ni Alex kasama ang kanyang Daddy Bonoy at si Mikee.
Credit: Alex Gonzaga Official YouTube
Pagkatapos ng kanilang driving lesson na ginanap lamang sa loob ng kanilang village ay si Alex na ang nagmaneho pauwi sa kanilang bahay.
Credit: Alex Gonzaga Official YouTube
Kahit naman sa huling bahagi ng vlog ay sinabon ni Daddy Bonoy si Alex. Nagreklamo kasi si Alex dahil hindi siya nakatanggap ng “thank you” mula kay Daddy Bonoy at Mikee sa paghahatid niya sa mga ito sa kanilang bahay.
Ani Alex, “Wala man lang ‘thank you’ na naiuwi ko kayo. Daddy, magpasalamat ka.”
Credit: Alex Gonzaga Official YouTube
Pambabara naman ni Daddy Bonoy, “Ikaw magpasalamat sa amin niyan eh.”