Trending sa social media ang dating “Goin’ Bulilit” child star na si Alexa Ilacad pagkatapos niyang ibahagi ang nakamit niyang karangalan sa kanilang paaralan.
Credit: @alexailacad Instagram
Buong pagmamalaking ibinahagi ni Alexa sa kanyang Instagram na sigurado na ang kanyang pagtatapos sa kursong Marketing sa Treston International College School of Business and Technology.
Ngunit isa pang achievement na natamo ni Alexa bukod sa pagtatapos niya ng kolehiyo ay ang pagiging Dean’s Lister niya sa kanilang paaralan.
Sa larawang ipinost ni Alexa sa kanyang Instagram post nitong August 2 ay makikita siyang masayang-masaya katabi ang isang certificate of recognition kung saan nakasaad na nakakuha siya ng General Weighted Average na flat 1.0.
Credit: @alexailacad Instagram
Sa caption ng kanyang post, sinabi ni Alexa na abot-langit ang kanyang kasiyahan dahil sa kabila ng mga hamon na dumating sa kanyang buhay ay sa wakas magtatapos na siya ng pag-aaral.
“Last hoorah for my last term in college 🥰🙏🏻 I am over the moon as I type this right now but finally… I AM GRADUATING!” pahayag ni Alexa.
Dagdag pa niya, “Despite all the obstacles thrown my way, I was determined to finish strong. 😊 I came, I studied, I conquered! 😂 @trestonph #GoldenLion 🦁 #SchoolOfBusinessAndTechnology #MarketingMajor #DeansList #Gradwaiting 😊 #WeAreTreston”
Credit: @alexailacad Instagram
Samantala, kinagiliwan naman ng maraming netizens ang pagtatapos ni Alexa nang may mataas na marka. Ito ay dahil sa karakter na ginampanan niya sa pelikulang “Four Sisters Before the Wedding.”
Matatandaang ginampanan ni Alexa ang karakter ni Bobbie Salazar na nakilala ng marami bilang ang “overachiever” sa apat na magkakapatid na Salazar.
Sa pelikula, hindi lamang ‘beauty’ ang taglay ni Bobbie kundi ay kahanga-hangang abilidad at talino rin. Kaya naman hindi maiwasan ng maraming netizens na ihalintulad si Alexa sa karakter ni Bobbie.
Bukod dito, ginaya rin ng ilang netizens ang mga linya ni Toni Gonzaga na gumanap naman bilang si Teddy, kapatid ng matandang Bobbie na ginampanan naman ni Bea Alonzo sa sequel ng pelikula na “Four Sister and a Wedding.” Narito ang komento ng ilang netizens:
Credit: @alexailacad Instagram
“Oo bobbie, ikaw na, ikaw na yung laging magaling…”
“Kase ikaw naman talaga yung magaling diba? Ikaw yung matalino, ikaw yung maganda, lahat! Ikaw na!”
“Oo bobbie ikaw na magaling ikaw na lahat di naman talaga ako makakapantay sa galing mo!”
“Yung kahit anong gawin ko ako padin yung kulelat si Bobbie pa din yung magaling.”
Credit: @alexailacad Instagram
Maituturing na pinakamataas na kabuuang marka sa kolehiyo ang nakuha ni Alexa kaya naman kahanga-hanga ang kanyang achievement lalo pa’t pinagsasabay niya ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho bilang isang artista.
Lingid sa kaalaman ng marami, kasalukuyang bahagi si Alexa ng Kapamilya drama series na “Init sa Magdamag.”