Alexa Ilacad, pinatunayan na bukod sa ganda at galing sa pag-arte ay matalino din siya pagkatapos grumaduate sa kolehiyo

Isa sa pinakamagandang kayamanan na mababaon ng bawat isa sa atin ay ang edukasyon. Hindi kaila sa marami kung gaano kahirap ang mag-aral at makapagtapos ng pag-aaral kaya naman iba ang dalang kasiyahan kapag nakakuha ng diploma ang isang tao.

Credit:Β @alexailacad Instagram

Kamakailan lang ay proud na ibinahagi ng aktres at dating PBB housemate na si Alexa Ilacad ang pagtatapos niya sa kanyang degree sa Marketing sa Treston International College’s School of Business and Techonology. Bagamat abala si Alexa sa kanyang trabaho sa showbiz ay hindi ito naging hadlang para ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Gumawa siya ng paraan para maisingit ito sa kanyang busy schedule at ngayon nga ay nakapagtapos na siya sa kolehiyo.

Sinabi ni Alexa sa kanyang Instagram post na ang kanyang pagtatapos ay ang greatest achievement niya sa kanyang buhay, “Still my greatest achievement πŸŽ“πŸ‘©πŸ»β€πŸŽ“”

Credit:Β @alexailacad Instagram

Idinagdag din ni Alexa na puno ng pasasalamat ang kanyang puso para sa mga sumuporta sa kanya at tumulong para mairaos at makapagtapos sa pag-aaral.

“I have nothing but gratitude in my heart for my @trestonph family. I am blessed to have had a great support-system in school and at home. Thankful for my professors and mentors who helped me power through college without ever sacrificing excellence, and to my peers/barkada for making college life easier! To my parents & supporters, I hope I made you proud. This one’s for you πŸ€—” dagdag ng aktres sa kanyang caption.

Sa kanyang post ay naging trending ang naging caption ng nalilink ngayon kay Alexa na dati ring PBB housemate na si KD Estrada.

Credit:Β @alexailacad Instagram

“eto type ko eh,” komento ni KD sa graduation post ng aktres.

Marami pang iba ang bumati at pumuri sa achievement ni Alexa:

“Ooooh was here!!! The pretty graduate! πŸ”₯❀️😍 So proud of my Baby A!!! 😘😘😘😘😘”

“Congrats Bobbie boobah!! Proud na proud si Mama sayo 😘 hehehe love youuuu!!”

Credit:Β @alexailacad Instagram

“Sooo proud of you, babe!!! πŸ₯ΊπŸ€ Congratulations for graduating with flying colours, well deserved! The real-life Bobbie β€œSmartista Unica Hija” Salazar. To a peaceful and happy life, and of course, for more achievements for you, Cheers! πŸŽ‰πŸ₯‚ I truly love you so much, the real you, Alexandra!! 🀍✨”