Alice Dixson, bahagyang ipinakita ang napakagandang mukha ng kanyang anak na si baby A!

Hindi lamang mahusay sa pag-arte si Alice Dixson dahil labis din siyang hinahangaan ng karamihan dahil sa kakayahan niyang panatilihing pribado ang kanyang personal na buhay.

Credit: @alicedixson Instagram

Sa balitang ibinahagi ni Alice sa Instagram nito lamang Abril 2, hindi napigilan ng kanyang fans at supporters na makaramdam ng tuwa para sa hinahangaang aktres. Sa edad na 51, itinuring ni Alice na “little miracle” ang kanyang kauna-unahang anak na si baby Aura.

“Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle…” sulat ni Alice sa kanyang caption kalakip ng kanyang larawan habang hawak ang papel na may footprints ng isang baby.

Dagdag pa ng beteranang aktres, “Our newest little family member has arrived ❤️”.

Sa ilang taong pananatili ni Alice bilang isang aktres sa industriya ng showbiz, hindi na lingid sa kanyang kaalaman ang panganib na kaakibat ng kanyang trabaho kaya talagang maingat si Alice pagdating sa kanyang pribadong buhay upang maprotektahan ang sarili at mabigyan ng mapayapang buhay ang kanyang pamilya.

Credit: @alicedixson Instagram

Simula nang inanunsyo sa publiko ang pagdating ni baby Aura sa buhay nila ng kanyang asawa, hindi kailanman ipinakita ni Alice sa publiko ang buong mukha ng kanyang baby girl. Sa tuwing may ibinabahaging mga larawan sa Instagram kasama ang anak, mapapansin na palagi itong nakatalikod sa kamera.

Sa pagsapit ng Halloween at gusto ring makisaya, hindi nagpahuli ang mag-ina at nagbahagi ng larawan si Alice sa kanyang Instagram story kung saan ay makikita ang bonggang-bonga nilang costume na “The Incredibles”.

Credit: @alicedixson Instagram

Bagama’t nakasuot man ng mask si baby Aura at hindi talaga nakita sa publiko ang buo niyang mukha, patok pa rin ito sa netizens dahil ito ang kauna-unahang larawan na ibinahagi ng kanyang Mommy Alice kung saan ay makikitang nakaharap na ang anak sa kamera.

Hindi naman nabigo ang netizens na mapansin ang napakagandang ngiti ni Alice. Mas lalo ring gumaganda ang beteranang aktres ngayon na may baby Aura na siya sa kanyang buhay.

Credit: @alicedixson Instagram

Kahit na’y hindi pa nasilayan ang buong mukha ni baby Aura, ayon naman sa fans ni Alice, for sure, nagmana ito sa kanyang Mommy. Hinahangaan ng karamihan dahil sa kanyang walang kakupas-kupas na kagandahan, walang duda na napakaganda rin ni baby Aura!

Matapos ang ibinahaging larawan ni Alice noong Halloween, halos hindi na maka-get over ang kanyang fans at ngayon ay naging mas curious pa na masilayan ang kagandahan ni baby Aura.