Alice Dixson, ipinakilala sa wakas sa publiko ang kanyang panganay na anak!

Iilan lamang sa atin ang may kaalaman na may Ate pala ang baby girl ni Alice Dixson na si Aura at kumakailan lamang nang official itong ipinakilala ng aktres sa publiko kalakip ng isang post niya sa celebration ng kanilang pamilya sa Mother’s day.

Credit: @alicedixson Instagram

Wala talagang katumbas ang pagmamahal ng isang ina para sa kanilang mga anak at nararapat lamang na sa tuwing sumasapit ang Mother’s day ay mas maramdaman pa nila na special sila ngunit ang simpleng celebration para sa pamilya ni Alice ay naging malaking revelation para sa kanyang fans at followers dahil nagkaroon lang naman siya ng panganay reveal.

Credit: @alicedixson Instagram

Mula sa kanyang partner at bunsong anak na si baby Aura, hindi talaga ipinapakita ni Alice ang mukha ng mga ito at kapag nagbabahagi man ng kanilang larawan sa social media ay tinatakpan niya ang kanilang mukha kaya naman mas nabuhay pa ang kuryosidad ng karamihan. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ganoon na lamang kagulat ang netizens nang ibinunyag ng aktres na may panganay pala siyang anak na si Sassa.

Credit: @alicedixson Instagram

Sa celebration ng Mother’s day, nagbahagi ng mga larawan ang 51 taong gulang na aktres kung saan ay makikitang kasama niya si Sassa. Ayon kay Alice, hindi niya ipinakilala noon ang panganay sa publiko dahil sobrang protective umano ng Daddy nito pero ngayon na nasa tamang edad na si Sassa, wala nang nakikitang problema o issue ang aktres upang pormal at official na itong ipakilala.

Credit: @alicedixson Instagram

“Tho hindi ko sya na-introduce formally when she was a teen kasi napakaprotective ng father nya; pero ngayon na young lady na sya at masters grad pa – the world 🌍 is now her oyster,” pahayag ni Alice.

Dagdag pa ng aktres, “I’m so very proud the woman you are & becoming… beautiful inside and out ♥️♥️♥️”.

Credit: @alicedixson Instagram

Marami ang nagulat sa rebelasyong may panganay na anak pala ang aktres lalo na’t ang pagkakaalam lamang ng iilan ay tanging si baby Aura lamang ang kanyang anak.