Alice Dixson, ipinasilip ang kaniyang “magical” beach house sa Boracay na mayroong napakagandang view ng buong isla

Sa isang napakabihirang pagkakataon ay winelcome ng aktres at ngayo’y isa na ring vlogger na si Alice Dixson ang kaniyang tagahanga at tagasuporta sa kanyang beach house sa isla ng Boracay.

Credit: Alice Dixson Instagram            

Nagdadalawang-isip man noong una, nagpasya pa rin si Alice na ipakita sa kaniyang vlog ang kanyang bahay sa Boracay. Alam ng marami na isang pribadong tao si Alice kahit na sa kabila ng tinatamasa nitong kasikatan.

Credit: Alice Dixson Instagram

Ayon sa aktres, sa loob ng maraming taon ay naging most-requested daw ng kaniyang fans na ipakita niya kung ano ang hitsura ng kanyang bahay.

Credit: Alice Dixson Instagram

Aniya pa sa deskripsyon ng kanyang vlog, “Despite being a celebrity I do consider myself to be a private person. I hardly ever do interviews in my home, I think I only allowed it twice many years ago.”

Credit: Alice Dixson Instagram

Dagdag niya, “But since I’ve been getting endless requests for decades now- this weekend I’m sharing with you exclusively what my second home is like.”

Unang ipinakita ni Alice ang garage area kung saan naka-park ang motorsiklong ginagamit ni Alice kapag namamasyal siya sa isla.

Credit: Alice Dixson Instagram

Mula sa garage at receiving area ay makikita ang isang walkway patungo sa garden area ni Alice. Sa gilid naman nito ay makikita ang isang maliit na swimming pool.

Credit: Alice Dixson Instagram

Sunod namang ipinakita ni Alice ang loob ng kaniyang bahay kung saan makikita ang kitchen at dining area pati na rin ang living room.

Credit: Alice Dixson Instagram

Dumako naman si Alice sa guest room na ayon sa kaniya ay madalas niyang pagtambayan.

Credit: Alice Dixson Instagram

“I like this room the best because its the mosts serene, it’s the most calming and it’s the most quiet in the whole house. Sometimes I relax here on the bed, where I wanna play computer game or just get away from everybody.”

Credit: Alice Dixson Instagram

Ikinuwento naman ng aktres kung bakit itinuturing niyang “magical” ang bahay niyang ito. Ito ay dahil kita mula sa balcony nito ang napakagandang kabuuang view ng isla. Kita rin mula rito ang mga naglalakihang windmill ng isla ng Aklan. Mula rin dito ay makikita ang napakagandang sunrise ng isla. Maririnig din mula dito ang nakaka-relax na ingay mula sa hampas ng alon ng dagat.

Credit: Alice Dixson Instagram

Huling ipinakita ni Alice ang kanyang master’s bedroom na mayroong modern island interior design.
Sa pinakahuling bahagi ng vlog ay masayang pinuntahan ni Alice ang isa sa kanilang “secret hideaway beaches”.

Credit: Alice Dixson Instagram

Narito ang ilang komento ng netizens sa house-tour na ito ni Alice.

“This is so amazing. Nakakamiss ang Boracay! I would really want to go back there!! 😍😍”

Credit: Alice Dixson Instagram

“Wow beautiful home by beach,one of my dream hehehehe!!❤love it.”

“Thanks for the tour of your lovely beautiful home. Here to support. I missed Boracay, I was there 2014, I had such a great time with my wife. What a paradise”