Alice Dixson, mas lalong gumanda habang ini-enjoy ang pagiging full-time mommy sa kanyang unang anak na si Baby A

Para sa isang babae, isa mga pinakamasarap na pakiramdam ay ang maging isang ina. Larawan nga sa mukha ng batikang aktres na si Alice Dixson ang labis na kaligayahan dahil matapos ang napakaraming taon na paghihintay ay ipinagkaloob na sa kanya ng Panginoon ang matagal na niyang pangarap, ang magkaroon ng isang anak.

Credit: @alicedixson Instagram

Si Alice ay naging ganap na mommy sa edad na 51. Isa nga sa mga magagandang bagay na dumating sa buhay ni Alice ngayong taon ay ang kanyang anak na tinatawag din niyang “Baby A”. Ayon kay Alice, noong April 1 isinilang si Baby A. Matatandaan namang noong April 2, masayang inanunsyo ni Alice sa lahat ang pagdating nito.

Sampung taon din na hinintay ni Alice ang kanyang anak. Ibinunyag nga nito na wala siyang ibang ipinagdadasal tuwing kaarawan niya kundi ang magkaroon ng isang anak.

Credit: @alicedixson Instagram

Nakwento naman ni Alice noong 2019 sa isang panayam na matagal na nilang sinusubukan ng kanyang non-showbiz partner na magkaroon ng anak ngunit hindi ito nangyari. At dahil na rin sa kanyang edad, sinabi ni Alice na napagdesisyunan nila ng kanyang partner na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng surrog@cy.

Kapansin-pansin naman ngayon ang kakaibang glow at kasiyahan ni Alice habang ginagampanan niya ang kanyang bagong role sa buhay na isang full-time mommy.

Sa kanyang Instagram account, masayang ibinabahagi ni Alice ang ilan sa mga bagong karanasan at adventure niya bilang isang mommy.

Credit: @alicedixson Instagram

Tulad na lamang ng pamamasyal niya kasama si Baby A sa isang falls sa Canada. Sa ibang bansa kasi isinilang si Baby A at makikita sa Instagram update ni Alice na lumipad siya patungong Canada.

Makikita sa larawan na kasama niya si Baby A na nakasakay naman sa isang stroller habang nilalasap nila ang magandang panahon at malamig na simoy ng hangin sa labas.

Alam ng marami na na mula noon magpahanggang ngayon ay sobrang ganda pa rin ni Alice. Ngunit mas lalo pa yatang gumanda at naging maaliwalas ang mukha ni Alice nang dumating si Baby A.

Credit: @alicedixson Instagram

Samantala, inihayag ni Alice kamakailan ang kanyang pangamba na umuwi sa Pilipinas dahil pa rin sa c0vid.

Sa kabila naman ng kanyang takot ay itinuloy pa rin ni Alice ang pag-uwi niya sa bansa at sa panibagong update niya sa kanyang Instagram ay ibinalita niyang nasa Maynila na sila ni Baby A at nagqua-qu@rantine sila ngayon sa isang hotel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

Mapapanood naman sa YouTube channel ni Alice ang video na nagdodokumento sa kanilang pag-uwi sa bansa. Maliban dito, ipinasilip din ni Alice ang proses0 na kanilang pinagdaanan para sa l!gtas na pag-uwi nila ng kanyang anak.

Excited naman ang marami na makita na si Baby A. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ipinapakita ni Alice ang mukha nito.