Alice Dixson, masayang nakipagbonding sa beach kasama ang kanyang anak na si baby Aura

Isa si Alice Dixson sa mga kilalang aktres sa industriya ng showbiz. Abala man sa showbiz lalo na’t isa siya sa mga artistang bibida sa inaabangang teleserye ngayon sa GMA Network na “Legal Wives” ay nakakapaglaan pa rin ng oras si Alice upang makapag-bonding kasama ang anak na si baby A.

Credit: @alicedixson Instagram

Sa edad na 51 ay nananatili pa ring fresh-looking si Alice. Sa ilang taong pananatili sa showbiz ay naging matagumpay naman ang kanyang career bilang isang aktres pero mas lalo lamang niyang na-appreciate ang buhay nang siya’y naging ina.

Mayo ngayong taon nang inanunsyo ni Alice na siya’y may anak na sa tulong ng isang surrogate mother. Ibinunyag niya sa segment na “Bawal Judgemental” ng noontime show na “Eat Bulaga” na babae ang kanyang anak na pinangalanan niyang si baby Aura.

Credit: @alicedixson Instagram

“Babae ang anak ko,” sabi ni Alice, “Her name is Aura.”

Huwebes, July 8 nang napagdesisyunan ng mag-ina na mag-bonding sa isang beach. Sa mga larawang ibinahagi ni Alice sa kanyang Instagram ay makikitang nakangiti siya sa kamera habang nakakandong si baby A sa kanya.

“Making memories in my heart ❤️,” pahayag ni Alice sa kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

Nabanggit rin ni Alice na @ksidenteng nabura ang ilang pictures at videos niya kasama ang mga bidyu ng anak simula nang ipinanganak ito.

“Something happened with my photos and video footage(s), recent vlogs and more… Saka ko ikuento pag puede na, but nakakasad because all the photos and videos when Baby A was born were all together 😭😭😭,” sabi ng aktres.

Ayon kay Alice ay mabuti na lamang at na-save niya ang video ni Baby A na pinapatapak niya sa buhangin na kanyang ibinahagi sa Instagram.

Credit: @alicedixson Instagram

Dahil sa taping ng “Legal Wives” ay napapadalas ang kanyang pagkawalay kay baby A kung kaya’t ganoon na lamang niya na-miss ang anak.

“I’ve been away at work only a week and it feels sooo tagal! This is the longest I’ve ever been apart from my smiling baby Buddha,” sabi ni Alice.

“Definite water baby,” ayon sa aktres.

Credit: @alicedixson Instagram

Matapos ang nangyaring hiwalayan sa pagitan ni Alice at sa asawa niyang si Ronnie Miranda na isang businessman kung saan ay nakasama niya sa loob ng 14 na taon ay maayos at masaya naman ngayon si Alice sa kanyang buhay lalo na’t kasama niya ang kanyang baby na si Aura.

Halata naman sa mga ngiti ni Alice ang pure bliss na dulot ni Baby Aura o Baby A. Talaga namang walang katumbas na kasiyahan ang pagiging ina.