Matagal nang panalangin ng veteran actress na si Alice Dixson at ng kanyang non-showbiz boyfriend na magkaroon ng anak.
Credit: @alicedixson Instagram
At ngayong taon, dininig ng Panginoon ang kanilang matagal nang panalangin dahil sa wakas ay isang munting anghel ang ipinagkaloob sa kanila.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Alice sa lahat ang magandang balita na siya ay isang mommy na.
Nag-post din si Alice ng isang larawan kung saan makikita siyang napakasaya habang hawak ang isang papel na may footprints ng kanilang baby.
Credit: @alicedixson Instagram
“Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle…,” sulat ni Alice sa caption.
Kwento ni Alice, wala siyang ibang panalangin at hiling sa kanyang kaarawan sa nakalipas na 10 taon kundi ang magkaroon ng anak.
“For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year – my wish the same when I blew out my candles,” aniya.
Kaya naman walang mapagsidlan ang kanyang kaligayahan dahil natupad na ang kanyang “wish”.
Credit: @alicedixson Instagram
Ani Alice, “So with great patience, belief and trust – I am happy to announce my wish has finally come true.”
Dagdag niya, “Our newest little family member has arrived.”
Samantala, sa kanyang post ay hindi nagbigay si Alice ng anumang mga detalye tungkol sa kanilang baby.
Gayunpaman, matatandaang sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa programa nitong ‘Headstart’, nabanggit ni Alice na nasa proseso sila ng kanyang partner na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng surrogacy method.
Credit: @alicedixson Instagram
Nilinaw din ni Alice na hindi dahil ayaw niyang masira ang kanyang magandang katawan kaya hindi siya nagbuntis.
Sinubukan naman daw niyang magbuntis kaya lamang ay hindi ito naging matagumpay.
Ayon din kay Alice, isa ang kanyang edad kaya mas pinili nilang sa pamamagitan na lamang ng surrogacy method magkaanak para sa kaligtasan ng sanggol.
Kwento ni Alice, “Well my personal journey is super personal, pero sige I will share it. We are still in the process of surrogacy. My partner and I, oo. So I have not given up on that. I think this is our last year to try.”
Credit: @alicedixson Instagram
Dagdag niya, “Sa akin it was never about the way that I would look after. It was about my age and my concern about the safety of the child, the wellness of the pregnancy. I’ve tried previously and it didn’t work out. So parang my partner and I decided, ‘okay let’s try surrogacy.'”
Sa ngayon ay sumasabak sa mga lock-in taping si Alice para sa pinagbibidahan niyang upcoming Kapuso teleserye na “Legal Wives” kung saan isa siya sa tatlong asawa ni Dennis Trillo na gumaganap naman bilang isang Maranao na Muslim.