Aljur Abrenica, gusto magampanan ang responsibilidad bilang isang mabuting ama

Hindi naman porket nabigo tayo sa isang aspeto ng buhay ay awtomatiko na itong nangangahulugang mabibigo rin tayong magampanan ang iba pa nating duties dahil hanggang determinado, kayang-kaya talaga natin itong mapagtagumpayan.

Credit: @ajabrenica Instagram

Ang mundo ng showbiz ay hindi lamang glam at fame dahil kaakibat nito ay ang pagiging open ng celebrities sa kanilang personal na buhay sa publiko. Of course dahil isang public figure, marami talaga ang nakamanman sa kanilang bawat kilos kaya madalas talaga na napapansin ng publiko ang bawat pagkakamali nila. Ito mismo ang isa sa mga naging dahilan ng Kapuso actor na si Aljur Abrenica kung bakit minsan na siyang nawalan ng direksyon sa buhay.




Sa latest na episode ng Toni Talks, binasag na ni Aljur Abrenica sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang katahimikan ukol sa isyung pumapalibot sa status ng kanyang relationship pati na rin sa pagiging ama niya sa mga anak na sina Alas at Axl.

Pagbabahagi ng aktor, wala umano siyang ibang inisip kundi ay ang kanyang mga anak at kung paano niya nais gampanan ang kanyang duties at responsibilities bilang isang ama noong mga panahong binabatikos siya ng mga tao dahil sa cheating na issue niya sa kanyang asawa na si Kylie Padilla.

Credit: @ajabrenica Instagram

“‘Nung mga time na ‘yun, ‘nung binabatikos na ‘ko, nag-isip ako what’s the most important thing to do right now. Iniisip ko anong importante. It is to spend my time with my kids, how can I be a good father to them,” emosyonal na sabi ng aktor.

Hanggang ngayon, malaki pa rin ang pagsisisi ni Aljur dahil alam naman niyang pangarap talaga ng lahat ng mga bata na magkaroon ng kumpleto pamilya kaya ganoon na lamang talaga ang kanyang paghihinayang dahil hindi niya ito maibibigay sa mga chikiting pero gayunpaman, handa naman siyang magampanan ang kanyang role bilang isang ama.

Credit: @ajabrenica Instagram

Sa kabila ng kinahinatnan ng marriage nila ni Kylie at ngayong magkaiba na ang direksyong tinatahak nila sa buhay, determinado pa rin naman si Aljur na maging isang mabuting ama dahil kahit hindi man niya maibabalik ang dati ay hindi naman niya kailanman tatalikuran ang kanyang duties at responsibilities. Sinisigurado rin niyang hindi siya magkukulang sa pagbibigay atensyon at pagmamahal kina Alas at Axl kaya open na open talaga siya sa co-parenting.




Bagama’t hindi man nagtagumpay sa marriage nila ni Kylie, hindi naman ibig sabihin nito na mabibigo rin siya bilang isang ama. Ngayon, priority ni Aljur ang kanyang mga anak at kung paano maging isang mabuting ama kaya kahit hindi naman tulad dati ang kanilang sitwasyon, determinado pa rin siyang mas maging involved pa sa buhay ng mga chikiting.

Credit: @ajabrenica Instagram

Bilang isang magulang, kakaibang level talaga ang pagmamahal na meron sila para sa kanilang mga anak kaya kahit anong ano man ang sitwasyon na kahihinatnan, determinado pa rin silang panindigan ang kanilang responsibilidad.