Alodia Gosiengfiao at Dra. Vicki Belo, nagpakitang gilas sa isang dance challenge sa Tiktok

Walang makakapigil sa mga babaeng gustong sumayaw at makisali sa trend!

Credit: @victoria_belo Instagram

Hindi man isang artista, kilala naman sa mundo ng showbiz si Dra. Vicki Belo, ang dermatologist na siyang nasa likod ng kagandahan ng iilang celebrities. Taliwas sa expectation ng karamihan, hindi lamang dedicated sa kanyang profession si Dra. Vicki dahil updated din siya sa bawat trend sa social media.

Simula nang pinasok ang pagti-Tiktok, hindi lamang libreng advices sa kanyang field ang ginagawa ni Dra. Vicki dahil katulad ng mga kabataan at iilang artista ngayon, game na game rin siya sa pagsayaw at pagsali sa iilang trends katulad na lamang ng pagsayaw ng ‘Toxic’ ni Britney Spears na super sikat ngayon sa Tiktok.

Sa challenge na ito, hindi lamang mag-isa si Dra. Vicki dahil kasama rin niya sa pagsayaw si Alodia Gosiengfiao, isang sikat na cosplayer.

Credit: @victoria_belo Instagram

Suot ang kani-kanilang s3xy na outfit upang i-match sa s3xy na vibes ng kanta, todo effort at talagang all-out sa pagsayaw si Dra. Vicki at Alodia sa ‘Tox!c’. Mapapansin naman sa kanilang reaksyon habang ginagawa ang challenge na super saya at nag-enjoy sila sa ginagawa.

“Struggle was real 😂,” sulat ni Dra. Vicki sa kanyang caption nang ibinahagi sa Tiktok ang video nila ni Alodia habang sumasayaw ng ‘Tox!c’.

Mahusay sa kani-kanilang profession at career, talagang marami sa netizens ang nagulat nang ibinida ni Dra. Vicki at Alodia ang kanilang talento sa pagsayaw.

Sa comment section ng mismong video na ibinahagi ni Dra. Vicki sa kanyang official na account sa Tiktok, hindi napigilan ng kanilang fans na ipahayag ang kanilang tuwa at aliw na naramdaman.

“nakakatuwa Po tlaga kayo doc,belo ☺️☺️☺️go na go po talagaa kayo..”

“ang galing mo Doktora 🥰 pati si Alodia 😍”

Credit: @victoria_belo Instagram

“panis ang galing”

“Infairness ky dra. Legit na kabugera❤️❤️❤️❤️❤️❤️”

Talagang hindi nagpapahuli si Alodia at Dra. Vicki sa trends ngayon sa Tiktok! At dahil hindi madalas nakikitang sumasayaw, sadyang napaka-rare ng moment nilang ito.