Amy Perez, saludo sa mga housewife, househusband at kasambahay matapos maranasang maging housewife sa loob ng 6 buwan

Isa si “It’s Showtime” host Amy Perez sa mga makapagpapatunay sa araw-araw na pakikibakang hinaharap ng mga housewife.

Credit: Amy Perez Instagram       

Sa Instagram, ibinahagi ni Amy ang isang larawan kung saan ay nakasuot siya ng isang blue duster dress na karaniwang pormahan ng mga housewife.

Credit: Amy Perez Instagram

Sa caption ng post, ibinahagi ni Amy ang kanyang mga realisasyon nang masubukan niyang maging housewife sa loob ng anim na buwan simula nang ipinatupad ang qu@rantine sa bansa.

Credit: Amy Perez Instagram

Ayon kay Amy, noong bata pa siya ay nakikita na niya ang kanyang sarili na magiging isang housewife balang araw. Ngunit dahil iba ang naging takbo ng kanyang karera kaya imbes na maging housewife ay naging career woman siya.

Credit: Amy Perez Instagram

Aniya, “I remember bata pa lang ako lagi ko sinasabi i want to become a housewife pero iba ang nangyari naging career woman ako. But who would have thought 6 months ago mag-iiba ang lahat and God will make me experience it. And when it happened during the start of our qu@rantine akala ko kaya ko pero nung tumagal parang masis!ra ulo ko ang hirap pala maging housewife! 🤤”

Credit: Amy Perez Instagram

Napagtanto ni Amy na hindi biro ang ginagawa ng mga housewife. Bukod dito, hanga rin si Amy sa sakripisyo’t dedikasyon na taglay hindi lang ng mga housewife pati na rin ng mga househusband, kasambahay at lahat ng taong bahay.

Credit: Amy Perez Instagram

Saad ni Amy, “As in major SUPER TAO dapat ang level of skills mo at pasensya! Ang daming ginagawa, hindi kapa tapos sa una may kasunod na agad. Talagang iba yung sacrifice at dedikasyon na kailangan kaya saludo ako sa lahat ng housewives, househusbands, kasambahay at lahat ng taong bahay.”

Credit: Amy Perez Instagram

Dagdag ni Amy, “Ngayon gets ko na si Mamadal ko kung bakit nung bata ako ang init ng ulo nya eh humingi lang naman ako ng 20 pesos na baon. Love you Mamadal.Thank you sa lahat ng tinuro mo sa akin.”

Credit: Amy Perez Instagram

Nagbigay naman ng payo si Amy para sa lahat ng mga anak. Aniya, kahit hindi raw espesyal na araw ay sana ma-appreciate ng mga anak ang pagsasakripisyo ng kanilang mga magulang.

Sabi ni Amy, “Kaya kayo mga bata kahit di mother’s day o father’s day learn to appreciate your parents. And obey them. Nag sermon bigla hahahaha…”

Credit: Amy Perez Instagram

Kahit mahirap ay masaya naman daw ang TV host na pagsilbihan ang pamilya. Aniya, “What’s important now is happy naman ako serving my family that is my L❤ve language talaga. And with God’s grace every day i can do all things with the help and strength that Jesus gives me.”

Credit: Amy Perez Instagram

Limang taon nang kasal si Amy sa kanyang asawang si Carlo Castillo. Mayroong tatlong anak si Amy. Si Adi ay anak ni Amy sa kanyang dating asawa at si Kyle at Isaiah naman ay anak ni Amy kay Carlo.