Sa panahon ngayon kung saan nakakaranas tayo ng isang krisis sa kalusugan, maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa limitadong paggalaw ng tao at maging mga bukas na negosyo.
Credit: @jennicauytingco Facebook
Kaya naman kanya-kanyang hanap ng trabaho at pagkakakitaan ang mga tao para lamang matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya. At isa sa mga patok na pinagkakakitaan ng mga Pilipino ngayon ay ang pagbebenta online o online selling.
Credit: @jennicauytingco Facebook
Maging ang mga hinahangaan nating artista ay pinasok na rin ang mundo ng online selling. Tulad na lamang ng aktres na si Jennica Garcia-Uytingco na anak ng batikang aktres na si Jean Garcia.
Sa pamamagitan ng kanyang official Facebook page ay ginawa ni Jennica ang kanyang kauna-unahang online live selling noong March 6.
Credit: @jennicauytingco Facebook
Pangunahing produkto na ibinebenta ni Jennica ay mga miniature toy na ang ilan ay siya pa mismo ang gumagawa o mula sa personal na koleksyon niya ng mga laruan.
Kasama rin sa mga ibinebenta online ni Jennica ang mga preloved na damit, bag at libro ng kanyang pamilya.
Credit: @jennicauytingco Facebook
Samantala, naging matagumpay naman ang kauna-unahang live selling ni Jennica. Sa isang Facebook post ay pinasalamatan ni Jennica ang lahat ng mga naki-‘mine’ at bumili ng kanyang mga paninda.
Hangad nga niya na sana’y mapasaya niya ang mga bumili sa pamamagitan ng mga paninda niya.
Credit: @jennicauytingco Facebook
“Mga suki ko salamat sa masayang Live Selling experience na ipanaranas niyo sakin. Sana napasaya ko rin kayo sa pamamagitan ng mga paninda ko,” mensahe ni Jennica sa kanyang mga customer.
Sa kanyang post, humingi rin ng pasensya si Jennica dahil hindi natuloy ang kanyang ikalawang live selling noong March 7 dahil umano sa mahinang internet connection.
Credit: @jennicauytingco Facebook
Ani Jennica, “Andito na po ako sa bahay ng Mama ko kung nasaan ang mga paninda kong mga damit namin ni Alwyn nung active pa kami sa showbiz, mga libro at kung ano-ano pa. Pagpasensyahan niyo po sana at kailangan kong i-RESCHEDULE ang Live Selling natin tonight gawa ng hindi po kaya ng internet connection dito kung nasaan ako ngayon makapag live. Poor po ang status ng wifi signal kaya hindi po magawang magsimula nung Live Video.”
Credit: @jennicauytingco Facebook
Dagdag niya, “Uuwi ko na lang po itong mga balikbayan sa bahay namin pag may pasok na po yung kasambahay namin at pwedeng may mag alaga sa mga anak ko. Maraming salamat po ulit!”
Matagal nang hindi aktibo sa showbiz si Jennica at maging ang kanyang mister na si Alwyn Uytingco. Matatandaan na noong 2014 ay nagpakasal silang dalawa matapos ang apat na taon na pagiging magkasintahan.
Credit: @jennicauytingco Facebook
Sa ngayon, hands-on sina Jennica at Alwyn sa pagpapalaki sa kanilang dalawang anak na babae na sina Athena Mori at Alessi.