Mula nang magsimula ang qu@rantine marami sa atin ang tambay muna sa kani-kanilang bahay. Kaya naman napakasarap sa pakiramdam na makapunta sa beach at makapag-bakasyon para mag-relax at makalanghap ng sariwang hangin kahit sa maikling panahon lamang.
Credit: @coleen Instagram
Matagal-tagal din kasi na tanging mga tanawin lamang sa ating bahay ang ating nakikita. Kabilang nga sa magpamilya na nagkaroon ng maikling beach getaway ngayong panahon ng qu@rantine ay ang pamilya ng celebrity couple na sina Coleen Garcia at Billy Crawford.
Credit: @coleen Instagram
Bumyahe papuntang San Juan, La Union sina Billy at Coleen kasama ang kanilang pamilya. Espesyal naman ang kanilang naging bakasyon dahil ito ang unang beses na kasama nila ang kanilang panganay na anak na si Amari Jaden.
Marahil ay hindi makakalimutan nina Coleen at Billy ang unang pagkakataon na nasilayan nila si baby Amari na ini-enjoy ang buhangin at dagat.
Credit: @coleen Instagram
Sa Instagram account ni Coleen ay bumaha ang mga cute beach photo ni Amari kuha mula sa kanilang beach trip. Pinusuan nga ng libo-libong netizens ang mga nakakagigil na litrato ni Amari habang nasa beach.
Samantala, masaya naman si Coleen dahil unti-unti ay nagagawa nang i-explore ni Amari ang mga magagandang bagay sa kanyang paligid.
“Amari’s first time to feel [the] sand! So happy he finally gets to explore the world around him, little by little,” sulat ni Coleen sa caption ng kanyang Instagram post.
Credit: @coleen Instagram
Sa isang hiwalay na Instagram post ay nagbalik-tanaw naman si Coleen noong una nilang nadiskubre ni Billy na isang lalaki ang kanyang ipinagbubuntis.
Sa parehong resort kasi na pinuntahan nila sa La Union ay nalaman nilang mag-asawa na lalaki ang kanilang magiging unang anak.
Credit: @coleen Instagram
Dalawang magkaibang litrato ang ipinost ni Coleen. Sa unang litrato ay kasama na ni Coleen si baby Amari habang sa pangalawang litrato naman ay tatlong buwang buntis pa siya.
View this post on Instagram
Kwento ni Coleen, “The last time we were here was when I was three months pregnant (2nd photo), and on that same trip (in that same bathroom), we found out for the first time that the baby in my belly was going to be a boy. And what a beautiful little boy he is!”
Credit: @coleen Instagram
Ipinanganak ni Coleen si Amari noong September 10, 2020 sa pamamagitan ng water birth delivery.