Isa na ngayong endorser ang napaka-cute na anak ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford na si Amari Jaden.
Credit: @coleen Instagram
Walang mapagsidlan ang tuwa ng proud parents sa panibagong milestone sa buhay ng kanilang panganay na anak.
Sa kani-kanilang Instagram account ay kinumpirma nina Coleen at Billy na bagong endorser ng isang sikat at malaking pambatang clothing brand na Moose Gear si Baby Amari.
Credit: @coleen Instagram
Ipinasilip din ni Coleen at Billy sa kanilang mga social media account ang ilang letrato ni Baby Amari sa kanyang pinakaunang endorsement project.
Credit: @coleen Instagram
Marami ang napangiti sa mga cute photo ni Baby Amari tulad na lamang ng isang letrato niya na tila ay naka-finger heart siya. Sa isang letrato naman ay naka-thumbs up pa si Baby Amari na talaga namang napaka-cute tingnan!
Credit: @coleen Instagram
At siyempre, hindi nakalimutang mag-‘hi’ ni Baby Amari sa kanyang libu-libong fans at sa isang letrato ay nakataas ang isa niyang kamay na tila binabati niya ang mga ito.
Makikita rin sa letrato na talagang napakamasayahing bata ni Baby Amari at game siya sa lahat ng mga pose na nais ipagawa sa kanya.
Credit: @coleen Instagram
Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat naman si Coleen sa nasabing clothing brand dahil sa pag-welcome at pagtitiwala na ibinigay nito sa kanilang anak bilang bagong mukha ng kanilang brand.
“Say hi to the @moosegearkids family’s newest and youngest member! 👋🏻 Thank you for welcoming Amari with so much love! 💙 It’s a kids’ brand, but he’s been wearing Moose Gear since he was just a few months old,” ani Coleen.
Credit: @coleen Instagram
Samantala, sobrang proud din si Billy sa kanyang panganay bilang bagong endorser ng Moose Gear na minsan ay naging endorser din siya. Ibinahagi ni Billy na noong 1998, isa siya sa mga unang endorser ng Moose Gear. Ngayon nga ay tila ipinasa ni Billy ang kanyang legacy kay Baby Amari matapos itong kunin ng Moose Gear bilang kanilang bagong endorser.
Credit: @coleen Instagram
Sabi pa ni Billy, “In 1988, I became one of the first endorsers of @moosegearkids, and now I am proud to share that our little ray of sunshine is their newest and youngest addition to the family. Congratulations, little man!”
Naghatid naman ng ngiti sa maraming netizens ang mga nakakatuwang letrato ni Baby Amari. Komento nila:
“He’s so cute and adorable omg”
Credit: @coleen Instagram
“Oh my heart”
“He is the cutest and most adorable model I’ve ever seen. Huhu I am melting with his cuteness.”
“Aaaww, he’s the cutest!”