Anak ni Albert Martinez na si Alissa, nagsilang ng isang malusog na lalaking sanggol!

Biyayang maituturing ng mga mag-asawa ang pagdating ng kanilang anak. Kaya naman labis ang kasiyahan ni Alissa Martinez, anak ng batikang aktor na si Albert Martinez, dahil sa pagdating ng unang anak nila ng kanyang mister na si Paulus Reyes. Noong December 7, 2020 ay isinilang ni Alissa ang isang malusog na lalaking sanggol.

Credit: Alissa Martinez-Reyes Instagram    

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Alissa ang mga masasayang larawan nila ni Paulus kasama na ang kanilang unang anak.

Tulad ng ibang mga ina, naiyak si Alissa nang mahawakan na niya sa wakas ang kanyang anak.
Sa caption ng kanyang post ay ibinahagi ni Alissa na may bigat na 8.2 lbs ang iniluwal niyang lalaking sanggol. Pinangalanan naman nina Alissa at Paulus ang kanilang unang anak na Amati Mari.

Credit: Alissa Martinez-Reyes Instagram

Ikinuwento ni Alissa na magmula nang malaman nila na buntis siya ay araw-araw niyang ipinagdadasal sa Diyos na malusog ang kanilang baby.

Credit: Alissa Martinez-Reyes Instagram

Idinagdag ni Alissa na binigyan umano ni Amati ang kanyang buhay ng “meaning” at “purpose”.

“Our answered prayer. Ever since we found out I was pregnant, @paulusreyes and I prayed the rosary everyday for a healthy baby boy and here he is. I love you so much Amati. Thank you for giving my life so much meaning and purpose,” ani Alissa.

Para kay Alissa, si baby Amati ang pinakamagandang regalo na natanggap niya. “6 days before Christmas and we already got the best gift,” ani Alissa.

Credit: Alissa Martinez-Reyes Instagram

Bumuhos naman ang pagbati para kina Alissa at Paulus mula sa mga kaibigan nilang artista. Kabilang sa mga artistang nagpaabot ng kanilang pagbati sina Aga Muhlach, Pops Fernandez, Marjorie Barretto, at Carla Abellana.

Samantala, masaya naman si Alissa dahil napagtagumpayan nila ni Paulus ang kanilang unang buwan bilang mga first-time parent.

Credit: Alissa Martinez-Reyes Instagram

At kahit wala silang masyadong tulog, sulit naman daw ang lahat ng kanilang puyat na mag-asawa.

“We survived our first month!! Wooohooo barely any sleep but definitely worth it,” pahayag ni Alissa sa Instagram.

Credit: Alissa Martinez-Reyes Instagram

Ginanap ang kasal nina Alissa at Paulus noong October 2019 sa Canada.