Isa sa mga nagpapasaya ngayon sa dating aktres na si Andi Eigenmann ay ang pagkukulitan ng kanyang dalawang anak na sina Ellie at Lilo.

Sa isang vlog ni Andi ay mapapanood kung gaano kalapit sa isa’t isa ang kanyang mga anak sa puntong ayaw nang malayo ni Baby Lilo sa ate Ellie niya at gustong samahan ito sa kanyang online classes.
Mapapanood sa vlog ni Andi na ayaw bumitiw ni Baby Lilo sa upuan ng ate Ellie niya na nasa kalagitnaan ng kanyang klase.

Kinailangan pa ni Andi na kunin si Baby Lilo para hindi madisturbo si Ellie sa kanyang klase.
Samantala, habang binibihisan ni Andi si Baby Lilo ay bigla nalang itong tumakbo papunta sa kwarto ng ate Ellie niya.

Halata sa mukha ni Baby Lilo ang kagustuhan nitong makasama ang ate Ellie niya.
Tumingin ito sa Mommy Andi niya tila nanghihingi ng tulong sa pagbukas ng kwarto ni Ellie na nakasarado.
Nilagyan pa ni Andi ng caption ang parte na ito ng vlog na, “I’m going to school with ate Ellie.” Natatawa nalang si Andi sa pagiging makulit ni Baby Lilo.

Pagkukuwento ni Andi, “We’re supposed to be changing and then she ran out of the banyo and waiting outside ate Ellie’s room.”
Isa nga sa mga positibong epekto ng kasalukuyan nating sitwasyon ay nagkakasama nang matagal ang bawat miyembro ng pamilya lalo na ang mga magkakapatid.

Kaya siguro medyo naguguluhan pa si Baby Lilo sa ginagawa ng ate Ellie niya. Nitong mga nakaraang buwan kasi ay palaging naglalaro ang magkapatid. Kaya ngayong nagsimula na ang pasukan ay limitado nalang din ang oras nila sa isa’t isa.

Sa Instagram ay nagbahagi ng isang larawan si Andi kung saan makikitang masayang nagkukulitan si Ellie at Baby Lilo.
Sa caption ng IG post ay ikwenento ni Andi na umiiyak si Baby Lilo kapag sinasarado na ng kanyang ate Ellie ang pintuan ng kwarto nito para pumasok sa kanyang online classes.

Ani Andi, “Good morning from these 2 and their designated photographer (me)! Super happy to be stuck at home with both of them every single day and that we’ve picked up a daily routine that doesn’t get them bored.”

Dagdag ni Andi, “It’s been super helpful that (online) classes have begun for ate Ellie! But we miss her so much when she attends even if she’s just in the other room 😂 if you only can see how this baby cries out loud once the big sis’ door closes for school hours 😅”