Katulad ng kanyang mga magulang na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ay mahilig din sa dagat ang mahigit isang taong gulang na bata na si Lilo.

Sa isang video na inupload ni Philmar sa kanyang Instagram, mapapanood si Lilo na ini-enjoy ang dagat.
Kuha ang video habang nagbabakasyon sa Anilao, Batangas ang buong Happy Islander family. Kahanga-hanga nga si Lilo dahil sa kanyang murang edad ay walang mababakas na takot sa kanyang mukha habang nagtatampisaw sa dagat hawak ang isang life-buoy o salbabida.
View this post on Instagram
Mula sa ilalim ay kinunan ni Philmar ang kanyang mag-ina habang masayang nagtatampisaw ang mga ito sa dagat.
Sa caption ng video, sinabi ni Philmar na proud siya sa kanyang anak dahil mahilig din ito sa dagat tulad niya at tinawag pa niya itong “little mermaid”.

Ani Philmar, “My little girl. Proud of my little mermaid, loves the ocean as much as i do.”
Maraming netizen naman ang nagkomento sa Instagram post ni Philmar at sinabing may pinagmanahan umano talaga si Lilo.
Sa mga hindi nakakaalam, si Philmar ay isang pro-surfer at champion sa pagsi-surf. Maging si Andi ay mahilig din sa dagat kaya naman komento ng netizens, mana talaga umano si Lilo sa kanyang magulang.

Samantala, sa kanilang beach getaway din naganap ang wedding proposal ni Philmar kay Andi. Ikakasal na nga ang magkasintahan dahil “Yes” ang naging sagot ng dating aktres sa tanong ni Philmar na “From my whole heart, I am asking you if you will marry me”.
Nangako naman si Philmar na pasasayahin at aalagaan niya araw-araw ang kanyang mag-ina maging ang anak ni Andi sa kanyang dating kasintahan na si Jake Ejercito na si Ellie.
Ani Philmar, “She said YES! I love you so much. So happy to spend the rest of my life with you. Promise to take care of you, ellie, Lilo and our coming baby number 3 and to make you laugh more and more everyday…”

Habang si Andi naman ay inamin na ayos lang sa kanya na hindi siya magkaroon ng engagement.
Gayunman, masayang-masaya pa rin umano siya dahil nangyari ang kanyang engagement sa paraang gusto niya.
Ani Andi, “I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one. It would’ve been ok regardless, but it did happen. And it happened the way I wanted it and so much more. Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. That is how I want the rest of my life to be. I am over the moon, so stoked to be spending it with you my mahal.”