Muling naghatid ng ngiti at kasiyahan si baby Dahlia sa netizens nang ibinida nito ang kanyang costume para sa Halloween!
Credit: @annecurtissmith Instagram
Walang sawa ang gigil ng netizens nang nasilayan ang costume ng anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si baby Dahlia Amélie para sa Halloween kung saan ay nagmistulan siyang si Hidilyn Diaz, ang kauna-unahang Pinay na nanalo ng gintong medalya sa Olympics sa larangan ng Weightlifting.
Suot ang kulay asul na uniform na may nakaukit na watawat ng Pilipinas sa harap, naging “mini-me” ni Hidilyn Diaz si baby Dahlia!
Of course, hindi makukumpleto ang pagiging “mini-me” Hidilyn Diaz ni baby Dahlia kapag walang barbell. Hindi rin napigilan ng netizens na mapansin at purihin ang barbell ni baby Dahlia na gawa lamang sa paper plates. Talagang pinaghandaan ito ng kanyang Mommy Anne at Daddy Erwan upang ma-perfect lamang ng anak ang “look” niya bilang si Hidilyn.
Credit: @annecurtissmith Instagram
“Our Gold Medallist!!! 🥇🇵🇭” sulat ni Anne sa kanyang caption kalakip ng mga larawang kuha niya kay baby Dahlia habang kina-career ang pagiging Hidilyn Diaz nito.
Dagdag pa ng aktres sa kanyang caption, “@hidilyndiaz inspiring the youth that with hard work and perseverance you can achieve your biggest/heaviest dreams 🦋🏋🏽♀️”.
Sa labis na kakyutan ni baby Dahlia, hindi napigilan ng iilang celebrities na magbigay ng papuri at mag-iwan ng positibong mga komento.
“Cuuuuuuute😍,” papuri ni Sarah Lahbati.
Credit: @annecurtissmith Instagram
“Sooooooo cute Antenita!” komento naman ng kanyang Tito Nico Bolzico.
“Hahaha the cutest!! Where is the gold medal?!😍😍” ayon kay Isabelle Daza.
“SO CUTE!!!!!! 😍😍😍” sabi naman ni Rachel Peters.
Maliban sa mga kapwa celebrities ng kanyang Mommy Anne, nakatanggap din siya ng papuri galing kay Hidilyn Diaz mismo!
Credit: @annecurtissmith Instagram
“Ang cute 😍😍😍,” komento ng Olympic Gold Medalist sa post ni Anne Curtis.
Ngunit hindi lamang dito natatapos ang hatid na good vibes ni baby Dahlia dahil sa Instagram account ng kanyang Daddy Erwan ay mapapanood naman sa maikling video ang pagpapakitang gilas ng anak sa pagbuhat ng kanyang barbell.
View this post on Instagram
“Channeling greatness,” pahayag ni Erwan sa kanyang caption.
Muling inulan ng papuri ang comment section ng mismong post ni Erwan galing sa kanyang fans at kapwa celebrities.