Anak ni Anne Curtis na si Dahlia, nakatanggap ng mamahaling jewelry box mula sa isang French luxury brand!

Usap-usapan sa social media ang anak ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia Amèlie matapos nitong makatanggap ng isang mamahaling regalo mula sa sikat na French luxury brand na Louis Vuitton.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Sa Instagram account ng “It’s Showtime” host, ibinahagi niya ang litrato ng regalo ng Louis Vuitton para sa kanilang anak na si Baby Dahlia.

Nagkakahalaga ng higit-kumulang 61,000 piso ang ipinadalang regalo ng nasabing luxury brand na isa sa kanilang mga koleksyon ng jewelry box.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Ang jewelry box na natanggap ni Baby Dahlia ay isang transparent na Plexiglass Box Scott Rose Ballerin kung saan naka-imprinta rito ang signature monogram ng Louis Vuitton.

Kasama ng magarbong jewelry box ay ang isang bouquet ng magagandang bulaklak at isang greeting card na naka-address para kay Baby Dahlia.

Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan ni Anne ang Louis Vuitton sa pagpapadala nito sa kanyang anak ng isang magandang jewelry box.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Ani Anne, “Reading her name with her papa’s French accent 😂 Merci beaucoup @louisvuitton Philippines 🌈”

Ipinahayag din ng aktres ang kanyang kaligayahan dahil maaari na niyang i-unpack ang mga natanggap niyang package habang wala siya sa bansa.

Matatandaan na mahigit isang taon din na nawala si Anne sa Pilipinas matapos niyang igugol ang kanyang maternity leave sa Australia.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Ayon naman kay Anne, iingatan niya ang nasabing jewelry box hanggang sa malaki na si Baby Dahlia at magamit niya ito.

Ani Anne, “Finally unpacking and opening some of the gifts sent while we were away. Will keep this safe for her till she’s older 😂💕🌸”

Samantala, maraming netizens naman ang napa-sana all sa natanggap na mamahaling jewelry box ni Baby Dahlia. Anila:

“Awee! How sweet! A little girl getting an item from Louis Vuitton in a very young age! Sana all!”

Credit: @annecurtissmith Instagram

“Swerte bata ng anak ni anne at erwan sa endorser ng mama niya meron din ang anak thank louisvuitton swerte ni dahlia”

“Taray ni Dahlia may LV na agad sana all”

“endorser someday ng LV little pretty dyosa”

Noong nakaraang Marso 2, ipinagdiwang ni Baby Dahlia Amèlie ang kanyang kaarawan sa kanilang tahanan dito sa Pilipinas.