Anak ni Candy Pangilinan na si Quentin, muling ibinida ang kanyang abilidad sa pagkanta at pagsayaw!

Bagong talent, unlocked! Bukod sa pagsayaw at pagsabak sa iba’t-ibang dance challenges sa Tiktok, muli na namang ginulat ng anak ni Candy Pangilinan na si Quentin ang fans dahil ibinida lang naman niya ang kanyang kakayahan sa pagkanta.

Kung buong akala niyo’y sa pagsayaw lamang mahusay ang unico hijo ni Candy Pangilinan na si Quentin ay nagkakamali kayo dahil may itinatago rin pala siyang husay at galing sa pag-awit na ipinamalas niya kumakailan lamang.

Sa spotlight na tinatamasa ng celebrity momshie na si Candy, madalas talaga na sentro sa atensyon ng publiko ang kanyang personal na buhay pati na rin ang kanyang anak na si Quentin na may ADHD at ASD. Kahit na’y aminado man ang aktres na challenging para sa kanya ang kondisyon ng anak ay malaki naman ang kanyang pasasalamat sa pagiging genuine at wholesome ni Quentin.

Sa katunayan, hindi lamang sa kanyang Mommy Candy nagsisilbing “happy pill” si Quentin dahil pati sa kanilang fans, itinuturing din siya bilang kanilang “source of happiness” dahil sa walang katapusan niyang pagbibigay ng kaaliwan sa pamamagitan ng kanyang Tiktok sayawan pati na rin sa nakakatawang bardagulan nila ni Candy sa tuwing sinusubukan ng aktres na samahan ito sa pagsayaw.

Sa video na madalas na ibinabahagi ng aktres sa socmed, mapapanood ang pagsabak ni Quentin dance challenges sa Tiktok pero nito lamang bago, tila’y nagkaroon siya ng discovery na bukod sa pagsayaw, mayroon pa pala siyang ibang talento at ito ay ang pagkanta.

Sa latest na update ni Candy, matutunghayan na sumasayaw at kumakanta ang kanyang anak na si Quentin ng “I’ve Got Joy, Joy, Joy, Joy (Down In My Heart)” at may accompaniment pa kaya nagmistulan talagang perfect na presentation ang pagpapamalas niya sa kanyang newly-discovered na talento.

Sa pagbida ni Quentin sa kanyang abilidad sa pagsayaw at pagkanta, sobrang proud talaga ang kanyang Mommy Candy! Sino ba naman kasi ang hindi makakaramdam ng overwhelming na kasiyahan kapag nasaksihan ang anak na confident na nagpapamalas ng kanyang talento?