Anak ni Candy Pangilinan na si Quentin, nagpabili ng mamahaling t-shirt sa kanyang teacher

Bago lumaki at natututo mula sa ating sariling experience sa buhay, minsan na tayong naging bata na walang kamuwang-muwang sa maraming mga bagay. Bilang mga bata, hindi talaga kainlanman sumasagi sa ating isipan ang halaga ng mga bagay na gusto at madalas nating ipinapabili sa ating mga magulang o sa iba pa nating kakilala pero sa ating pagtanda at sa gabay ng maraming tao na may malaking impluwensya sa ating buhay, natututo naman tayo na mas may hihigit pa pala sa kasiyahang hatid ng materyal na mga bagay.

Credit: @candypangilinan Instagram

Maliban sa kanyang pagkakakilanlan bilang isa sa mga sikat na aktres at komedyante sa lokal na industriya ng showbiz, isa namang responsible at mapagmahal na ina si Candy Pangilinan sa anak na si Quentin Alvarado. At dahil may kaunting pagkakaiba si Quentin mula sa ibang mga bata dahil sa pagkakaroon nito ng Aut!sm Sp3ctrum D!sorder, doble talaga ang pag-aalaga at pagmamahal na ibinibigay ng aktres sa anak pero sa kabila nito, hindi naman naging hadlang ang sitwasyon ni Quentin para magkaroon ng maganda at sweet na relationship ang mag-ina dahilan kung bakit labis silang napamahal sa kanilang fans.

Credit: @candypangilinan Instagram

Sa katunayan, palagi talagang inaabangan ng netizens ang bawat update ni Candy kung saan ay kasama niya ang anak na si Quentin dahil sa adorable na moments ng dalawa katulad na lamang ng pagsasayaw at pagsabak sa dance challenges sa Tiktok.

Maliban nito, madalas din na nagbabahagi ang aktres ng wholesome na conversations nila ng anak na talaga namang tumutunaw sa puso ng karamihan dahil sa pagiging mabait at warm-hearted ni Quentin.

Credit: @candypangilinan Instagram

Of course, hindi lamang tanging heartfelt na conversations ang ibinibida ni Candy sa publiko dahil madalas din niyang ibinabahagi ang nakakatawa at nakakahiyang moments ni Quentin katulad na lamang ng latest niyang update tungkol sa naging usapan sa pagitan ng kanyang anak at sa teacher nito kung saan ay humingi umano ng mamahaling t-shirt at socks si Quentin.

Nang kaagad namang nalaman ng aktres na Lacoste brand pala ang pinapabili ng anak sa kanyang teacher, kaagad na napa-sorry si Candy at natawa na lamang sa kainosentehan ng anak.

Credit: @candypangilinan Instagram

Of course, hindi naman aware si Quentin na sobrang mahal pala ng t-shirt na ipinapabili niya sa kanyang teacher kaya hindi talaga napigilan ni Candy na makaramdam ng magkahalong hiya at tuwa dahil sa kakulitan ng anak ngunit hindi lang pala siya ang labis na naaliw sa moment na ito dahil bentang-benta rin pala ito sa netizens na sobrang nakyutan sa request ni Quentin sa kanyang teacher.