Anak ni Chesca Garcia at Doug Kramer na si Scarlett, may itinatago palang galing sa taekwondo!

Maliban sa physical na features at katangian, namamana rin ng mga anak ang mga hilig ng kanilang parents katulad na lamang ng Team Kramer na patuloy lang naman sa pagpapatunay na hindi lamang sila beauty at brains kundi ay mahusay din sa iba’t-ibang larangan ng sports at activities!

Credit: @dougkramer Instagram

Isa ang Team Kramer sa mga sikat at kilalang pamilya sa mundo ng showbiz. Maliban sa pagiging good-looking, labis din na hinahangaan ng karamihan ang magandang relationship na meron ang couple na si Chesca Garcia at Doug Kramer sa kanilang mga chikiting at kapansin-pansin naman ito sa kanilang bawat vlog, bonding moments, at updates sa social media.

Kung namana ng kanilang panganay na si Kendra ang hilig ng kanyang Mommy Chesca sa fashion, tila’y kuhang-kuha naman ni Scarlett ang pagkahilig ng kanilang Daddy Doug sa sports pero imbes na sa basketball ay taekwondo ang kinahuhumalingan niya. Sa katunayan, kakasali lamang niya ng tournament kung saan ay matagumpay siyang nakauwi ng silver na medalya!

Credit: @dougkramer Instagram

Sa achievement na ito ng kanilang ikalawang anak o kung tawagin ng couple bilang ang kanilang “baby doll,” talagang ibinida ito ni Doug dahil sa wakas, nagbunga na rin ang effort na palaging ibinibigay ni Scarlett sa kanyang bawat training.

“So,so, proud of our baby doll, Scarlett! This is your first face to face taekwondo sparring tournament, and you got your much deserved silver medal!” proud na pahayag ni Doug kalakip ng mga larawang kuha sa nasabing tournament kung saan ay makikita si Scarlett na nakasuot ng silver na medalya.

Dagdag pa ni Doug, “Keep your eagerness to improve, and learn from your mistakes. But just like everything in life, nothing really comes easy and you have to put work into it. And, when you love it, it’s worth all the tears, challenges, and all the work you put in. All because you didn’t give up! We all celebrate with you Scarlett!”

Credit: @dougkramer Instagram

Para sa mga magulang, pride at joy talaga ang nararamdaman nila sa tuwing may napapanalunan o ‘di kaya’y nakakapag-uwi ng medalya ang kanilang mga anak kaya talagang justifiable ang happiness ngayon ng couple lalong-lalo na si Doug na mahilig talaga sa sports at ang makitang napapamahal na rin ang anak sa parehong larangan, doble talaga ang nararamdaman niyang kasiyahan at satisfaction.