Anak ni Dawn Zulueta na si Jacobo, kinagigiliwan ngayon dahil sa angking kagwapuhan

May mga tao talaga na kahit nakasuot man ng mask o natatakpan man ang kalahati sa kanilang mukha at tanging mga mata lamang ang nakikita ay kapansin-pansin pa rin talaga ang kanilang taglay na kagwapuhan katulad na lamang ng panganay na anak ni Dawn Zulueta na si Jacobo!

Credit: @dawnzulueta Instagram

Bagong crush? Unlocked!

Kung pagandahan at kahusayan lang naman sa pag-arte ang pag-uusapan ay paniguradong nangunguna na sa listahan si Dawn Zulueta! Simula nang pinasok ng aktres ang mundo ng showbiz, talagang patuloy siyang kinabibiliban ng karamihan dahil sa kanyang angking kagandahan at talento sa larangan ng acting. Sa kabuuang panahon ng kanyang career bilang isang aktres, talagang nananatili sa spotlight si Dawn. Kahit ilang taon naman ang lumipas, talagang nakatatak na sa puso at nakaukit sa isip ng kanyang fans ang kanyang pangalan at pagkakakilanlan.

Credit: @dawnzulueta Instagram

Maliban sa kanyang talento sa pag-arte, hinahangaan din ng karamihan ang beauty ng nag-iisang Dawn Zulueta. Kahit na’y ilang taon naman ang lumipas, nananatili pa rin siyang dalaga-looking. Hindi talaga sumasabay sa edad ng aktres ang kanyang kagandahan!

Of course, hindi lamang natatapos kay Dawn mismo ang kanyang magandang genes dahil matagumpay din niya itong naipasa sa mga anak lalo na sa panganay na anak na si Jacobo Antonio Lagdameo.

Kasalukuyan ngayong 16 taong gulang ang panganay na anak ni Dawn at ng kanyang asawa na si Antonio Lagdameo Jr. Ngayon na nagbibinata na, mas lalo lamang na lumilitaw ang kagwapuhan nito na tiyak namang namana niya sa kanyang mga magulang.

Credit: @dawnzulueta Instagram

Sa pinaka-recent na post ni Dawn sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang mga larawan ni Jacobo kung saan ay makikita itong nakasuot ng itim na suit at puting dress shirt na pinaresan ng kulay asul na necktie. Bagama’t nakasuot man ng mask, hindi pa rin maipagkakaila ang looks ng panganay na anak ng aktres dahilan kung bakit hindi mapigilan ng iilang netizens na mapakomento.

“What a dapper young man! 😍”

“Nakapila na ba ang lahat o may nanalo nah? Pogi naman!😍”

“Guapo 😍😍😍😍😍”

Credit: @dawnzulueta Instagram

“So handsome Jacobo ! 😍”

Abala man ngayon sa kanyang studies, hindi na ikakagulat kung mapagdesisyunan man ni Jacobo na pasukin ang mundo ng showbiz at sumunod sa yapak ng kanyang ina sa pag-aartista lalo na’t sobrang laki ng kanyang potential sa industriya.