Anak ni Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na si Elias, ibang pangalan ang nasambit nang tanungin kung sino ang kanyang ama

Hindi inaasahan ng s3xy actress-model na si Ellen Adarna ang sagot ng kanyang anak na si Elias Modesto nang tanungin niya ito kung sino ang kanyang ama. Sa halip kasi na ang pangalan ng tunay niyang ama na si TV actor John Lloyd Cruz ang dapat niyang isagot, nasambit ni Elias Modesto ang pangalan ni Kapamilya heartthrob Piolo Pascual.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram 

Ipinost ni Ellen sa kanyang Instagram story ang video kung saan ay mapapanood siyang tinatanong si Elias Modesto ng, “Who’s your papa?”

“Papa P,” ito ang mabilis na tugon ni Elias Modesto sa tanong ng kanyang ina.

Sa kabila ng kanyang pagka-gulat ay natawa na rin si Ellen sa sagot ng anak dahil sa ka-cute-tan nito. At bilang tugon sa sinabi ng anak ay sinabi ni Ellen, “Hala. John Lloyd left the group chat.”

Sa isa pang video ay maririnig naman si Ellen na kinukulit si Elias Modesto.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Hindi yata nakuntento si Ellen sa sagot ni Elias Modesto at tinanong na naman niya ito ulit tungkol sa ama nito.

Sa pagkakataong ito ay tinanong naman ni Ellen ang kanyang anak kung anong ang pangalan ng kanyang ama.

Tulad ng kanyang unang sagot, iginiit ni Elias Modesto na si Piolo ang kanyang ama. Ani Ellen sa video, “What’s your papa’s name?”

“Piolo,” direktang sagot ni Elias Modesto kay Ellen.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Upang itama naman ang sagot ng anak ay sinabi ni Ellen dito na, “Your papa’s name is not Piolo uy. Your papa is not Piolo.”

Sa Instagram story ay naka-tag naman ang pangalan ni Piolo.

Ani Ellen, “Ginoo ko lol. Hala papa p!!! Ikaw daw ang ama loool @piolo_pascual”

Ipinaliwanag naman ni Ellen sa sumunod na video na ang sinasabi ni Elias Modesto na “Papa P” ay ang kanilang alagang aso na pinangalanan nilang “Papa P”.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Kaagad din na naging viral ang sinabi ni Elias Modesto na ama niya si Piolo Pascual.

Samantala, kamakailan lamang ay masayang nagbakasyon sina Ellen at Elias Modesto sa Amanpulo, Palawan

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Ellen ang ilang larawan at video nila ni Elias Modesto kuha mula sa kanilang bakasyon.

Credit: @maria.elena.adarna Instagram

Matatandaang taong 2019 nang ikwenento ni Ellen na hiwalay na sila ni John Lloyd at nagkasundo silang palakihin ang kanilang anak sa pamamagitan ng co-parenting setup.