Nagsisilbing inspirasyon at mabuting halimbawa ngayon ang aktor na si Jake sa marami dahil sa kanyang napakagandang relasyon sa kanyang panganay na anak na si Adrianna Gabrielle o mas kilala rin ng mga netizen bilang ‘Ellie’.
Credit: @unoemilio Instagram
Si Ellie ang bunga ng pagmamahalan nina Jake at ng kanyang dating kasintahan na si Andi Eigenmann.
Kamakailan lamang ay bumalik na sa Siargao ang pamilya ni Andi matapos niyang maisilang sa Maynila ang ikalawang anak nila ng kanyang fiancè na si Philmar Alipayo na si Baby Koa.
Credit: @unoemilio Instagram
Sa pag-uwi nga nina Andi, Philmar at ng kanilang dalawang anak na sina Lilo at Baby Koa ay kasama nila si Ellie.
Dahil dito ay nalayo muna si Ellie sa kanyang Daddy Jake. At kahit naman matagal na nakasama at naka-bonding ni Jake si Ellie noong nasa Maynila pa ito, hindi pa rin niya maiwasang ma-miss ito.
Credit: @unoemilio Instagram
Kaya naman nito lamang nakaraang araw ay personal na nagtungo sa Siargao si Jake para makasama si Ellie.
Makikita sa mga social media post ni Jake ang mga sweet photo nila ni Ellie habang nagbo-bonding sa Siargao.
Credit: @unoemilio Instagram
Sa isang litrato ay makikita ang kasiyahan ni Jake dahil sa wakas ay yakap na niya ang kanyang napakagandang anak.
Ayon kay Jake, unang beses niyang makapunta sa Siargao para makasama at sunduin si Ellie.
Ani Jake, “First time in Siargao to collect the offspring!”
Credit: @unoemilio Instagram
Sobrang espesyal nga ng naging trip ni Jake sa Siargao dahil nagsilbing ‘tour guide’ niya ang kanyang prinsesa.
“Found me an angel for a tour guide,” sulat ni Jake sa kanyang Instagram post.
Kapansin-pansin sa mga larawan na ibinahagi ni Jake ang kanyang labis na kasiyahan. Sa lawak ng kanyang mga ngiti habang kasama at yakap si Ellie ay talagang masasabi mong sobrang mahal na mahal niya ito.
Credit: @unoemilio Instagram
Samantala, umani naman ng paghanga mula sa maraming netizens ang ipinapakitang pagmamahal ni Jake sa kanyang 9 na taong gulang na anak.
Dahil kahit busy siya sa kanyang trabaho bilang isang artista ay naglaan pa rin siya ng oras para makasama si Ellie at magampanan ang kanyang responsibilidad bilang ama nito.
Credit: @unoemilio Instagram
November 2011 dumating sa buhay ni Jake si Ellie at simula noon ay kay Ellie na rin umiikot ang kanyang buong mundo.
Madalas namang katuwaan ng mga netizen ang videos nila sa social media na nagpapakita kung gaano sila kalapit sa isa’t isa bilang mag-ama.