Anak ni Gelli De Belen at Ariel Rivera, nasungkit na ang college diploma sa York University!

Marahil ay marami sa atin ang may precious na memory o naglo-look forward sa tuwing sumasapit ang Hunyo dahil usually, ginaganap sa buwan na ito ang graduation ceremonies kung saan ay nakikilala ang achievements at success ng mga estudyanteng labis ang pagsusunog ng kilay para masungkit lamang ang kanilang diploma.

Credit: @gellidebelen Instagram

Tila’y kay bilis talaga ng panahon dahil parang kumakailan lamang nang unang ipinakilala ng couple na si Gelli de Belen at Ariel Rivera ang kanilang anak na si Julio kung saan ay matatandaang chikiting pa ito ngunit ngayon, halos magulat ang karamihan dahil talagang binata na ito at graduate na sa kolehiyo!

Hindi naman forever na nasa tabi na lamang ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil may mga pagkakataon na gugustuhin na nilang lumayo upang habulin ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Credit: @gellidebelen Instagram

Kahit na’y nag-suffer sa “separation anx!ety,” hindi naman hinadlangan ng beteranang aktres ang desisyon ng anak na mag-aral sa York University sa Canada. Sa katunayan, kahit na’y magkakalayo, todo naman ang suportang ibinibigay ni Gelli at Ariel sa kanilang mga anak na magkasamang nag-aaral sa parehong prestihiyosong unibersidad.

Nito lamang Martes, dumalo ang mag-asawa sa isa sa importanteng event sa buhay ng kanilang panganay na si Julio bilang isang estudyante sa YU. Matapos ang mahigit apat na taong pagsusumikap sa kanyang pag-aaral, sa wakas ay na-achieve na rin niya ang kanyang diploma.

Credit: @gellidebelen Instagram

Sa special na araw na ito ng anak, nagbahagi ng compilation ng videos at mga larawan si Gelli sa kanyang Instagram account. Makikita sa kanyang video na magkasama sila ng asawa sa graduation ni Julio na katulad niya ay sobra ring proud sa achievement na ito ng kanilang panganay.

“Congratulations Julio!!! We are so proud of you. My son Julio just graduated. We documented his grad with lots of photos of him , videos of him , a few photos of us while waiting, but we forgot to take a family photo,” pahayag ni Gelli.

Marahil sa kanilang excitement, nakalimutan nila na magkaroon ng “family picture” kaya nang naalala ito, napagdesisyunan nila na magkaroon na lamang ng isa kung saan ay makikita silang nakasuot ng pajamas at mukhang ready nang matulog.

Credit: @gellidebelen Instagram

Sa tagumpay na ito ni Julio, nagpahayag din ng pagbati ang iilan sa kapwa celebrities at malalapit na mga kaibigan ng kanyang mga magulang.

Komento ni Arlene Muhlach, “Congratulations!!!!🎊🎉🎈🍾”

“GRABE —- how time flies!!! Congratulations Julio!!! Congrats too to the parents,” sabi ni Noel Ferrer.

“Congratulations inaanak ❤️❤️❤️,” komento naman ni Aiko Melendez.