Anak ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco, nagtapos bilang Magna Cum Laude sa kanyang pangalawang international degree

Isa na namang international degree ang natamo ng 25 taong gulang na unica hija nina actress Gretchen Barretto at business magnate Tonyboy Cojuangco na si Dominique.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Dominique ang isang larawan kung saan ay nakasuot siya ng itim na toga.

Credit: @dominique Instagram

Sa caption ng post, sinabi ni Dominique na katatapos lang ng kanyang online graduation ceremony at nagtapos siya bilang Magna Cum Laude ng kanilang batch. Aniya, “#FIDMGraduation live done. Magna Cum Laude, but fell a little bit short of the Cyril Magnin award”

Nagtapos si Dominique sa kursong Associate of Arts in Merchandising and Marketing sa Fashion Institute of Design and Merchandising (FIDM) sa San Francisco, California. Pangalawang kursong tinapos na ito ni Dominique dahil noong 2017 ay nakamit niya ang kanyang unang diploma sa Fashion Design sa prestihiyosong fashion school sa London na Istituto Marangoni.

Credit: @dominique Instagram

Proud na proud naman si Gretchen sa tagumpay na nakamit ng anak. Sa comment section ay ipinahayag ni Gretchen ang kanyang pagbati para sa nag-iisang anak. Komento ng aktres, “Thanks for a lovely Breakfast my baby love congratulations”

Ilang kaibigan din sa showbiz ang bumati kay Dominique sa kanyang pagtatapos. Isa na rito ang TV host-actress na si Ria Atayde. Sabi ni Ria, “Proud of you always!!”

Credit: @dominique Instagram

Sa tugon naman ni Dominique sa komento ni Ria ay nagpasalamat ito dahil sa ibinigay na toga at cap ng aktres. Ani Dominique, “@ria thank you for my cap and gown”

Matatandaang January ngayong taon nang ibahagi ni Gretchen sa kanyang Instagram ang larawan ng diploma ni Dominique.

Credit: @dominique Instagram

Samantala, sa Instagram ay ikinuwenento ni Dominique ang kanyang buhay sa Amerika habang naka-l0ckdown. Sa IG post ay sinabi ni Dominique, “Been on l0ckdown for ten days now – working at home and drinking lots of vitamins. This type of self-care is not available to everyone. I’ve been rationing my food as much as possible, but this is some people’s reality everyday.”

Credit: @dominique Instagram

Dagdag niya, “I hope that everyone’s taking the same precautions when it comes to not being wasteful, and not hoarding. As much as we can, let’s be grateful for what we have. I’m praying for all those in hospital beds, with sick loved-ones, and those that feel lonely & scared at this time…”

July nang umuwi sa Pilipinas si Dominique matapos ang ilang buwang pananatili sa Amerika dahil sa [email protected]