Tila`y isang dream come true para kay Erika Rae Poturnak, na anak ng isang sikat na aktres na si Ina Raymundo at non-showbiz husband nito na si Brian Poturnak, ang mapabilang sa isang management agency na Cornerstone Entertainment.

Mula sa Instagram post ni Ina, ay makikita ang video ni Erika na kung saan ay kaharap nito ang big bosses ng Cornerstone Entertainment at naatasan siyang kumanta ng isang impromptu song.

“Love On The Brain @erikarae.p and I were at @cornerstone yesterday to say hello to the big bosses.😊 She was asked to sing an impromptu song. Erika took a deep breath, said “ok”, opened her laptop, picked a song then started singing this without warming up her voice. It was mesmerizing! We can’t wait for you to shine brighter ate Erika. It’s about time…”

Mula sa kaniyang naging performance, hindi naman nagdalawang-isip ang Cornerstone na tanggapin si Erika at maging bahagi ng kanilang kumpanya.

“A new face is coming your way. She is ready to conquer greater heights and we are all excited to see her flourish. Cornerstone Entertainment welcomes @erikarae.p! Your CS family is so happy for you.”

Malaki ang naging pasasalamat ni Erika sa Cornerstone Entertainment sa mainit na pagtanggap sa kaniya.

“Thank you!! ❤ I’m so excited.”
Sa panibagong karera na kakaharapin ni Erika, hindi naman naitago ni Ina ang pagiging proud mommy, mula sa mga masasayang kaganapan ngayon ng kaniyang anak, at isa na nga doon ang naging pagtatapos nito sa high school.

“Despite everything that is happening, you’re still able to maintain a bright outlook and be a wonderful role model to your little sisters. We will always be proud of you, Ate @erikarae.p.”
“You said that this whole thing is surreal, but you’re trying not to dwell on the negative and look at only the positives that will come out of this.”

Bukod kay Erika, mayroon din siyang mga nakababatang kapatid na sina Anika, Mikaela, at Minka.