Kabilang ang aktres na si Jennica Garcia sa mga tumulong sa pagligtas ng mga residente na labis na naapektuhan sa pananalasa ng bagy0ng Ulysses. Nag-ikot si Jennica kasama ang isang non-profit organization na Alliance Search and Rescue sa Marikina at Rizal para magligtas ng mga residente na nangangailangan ng tulong.

Matatandaang ang lungsod ng Marikina at Rizal ay labis na naapektuhan ng matinding pagbaha dahil sa bagyo. At maraming bahay sa Marikina at Rizal ang lubog na lubog sa baha. May iilang barangay din ang nakaranas ng lampas taong tubig baha.
Sa lawak ng epekto ng bagy0 ay kakailanganin talaga ng mga volunteer na tutulong sa pagligtas ng mga residente at isa na nga rito si Jennica.

Sa kanyang Instagram account, ikwenento ni Jennica kung paano nila sinuong ang malakas na agos ng tubig baha para lamang magligtas ng mga tao.
View this post on Instagram
Ikwinento ni Jennica, “Ang bangka na gamit namin ay hiram lamang at hindi de-motor. Sinagwan namin ito at itinutulak hanggat kaya pag ang tubig ay mas mababa sa aming dibdib…”

Sa isa pang Instagram post, ibinahagi naman ni Jennica ang isang letrato kung saan may hawak silang mga kahon ng donut.
Sa caption ay pinasalamatan ni Jennica ang mga taong nagmagandang loob na bigyan sila ng pagkain.
Ani Jennica, “Kumain kami ng mabilisan. Kailangan ng lakas at mag reresponde pa sa Cainta. Nagpapasalamat po kami dahil may tumigil sa kalsada kung saan kami kumakain para bigyan kami ng J.CO. Ang dami! Walo lang kami pero ang daming box ang sa amin ay ibinigay.”

Pinasalamatan din ni Jennica ang mga tao na nagbibigay lakas at ngiti sa kanila para ipagpatuloy ang kanilang pagresponde sa mga nangangailangan.
Mensahe ni Jennica, “Maraming salamat po sa lahat ng mabubuting loob na nagbibigay ngiti at lakas sa amin. Tuloy pa po ang pag responde. Maraming salamat po ulit.”
Sa huli, humingi ng dasal si Jennica sa lahat para sa kaligtasan ng mga rescuer at mga residente na nasalanta ng bagy0.