Masayang ipinagdiwang ng unico hijo ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz ang kanyang kaarawan nitong Agosto. Marami naman ang nakapansin na sobrang bilis lamang ng panahon at ngayo’y binata na si Alex Jazz!
Credit: @mercadojenny Instagram
Lunes, August 16 nang nagbahagi si Jennylyn ng mga larawan kuha sa birthday celebration ng anak sa Instagram. Proud niyang ibinahagi sa kanyang followers na opisyal ng binata ang nag-iisang anak.
Credit: @mercadojenny Instagram
Sa pagtungtong ni Alex Jazz sa kanyang 13th na kaarawan ay nagkaroon siya ng “We Bare Bears” na tema para sa celebration ng kanyang birthday. Masaya niyang ipinagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang Mommy Jen, ang boyfriend ng kanyang ina na si Denny Trillo at ang anak nito na si Calix.
Credit: @mercadojenny Instagram
Sa kabila ng implementasyon ng Enhanced Community Qu@rantine (ECQ) ay ginawang posible at espesyal ng aktres ang celebration sa kaarawan ni Alex Jazz na ginanap lamang nila sa kanilang bahay.
“My Jazz is now officially a teenager! Pero he will remain my baby boy forever!😄 Happy 13th, my Jazzy!❤️ I love you so much!😘” pahayag ni Jennylyn sa kanyang caption kalakip ng mga larawang kuha sa birthday celebration ni Alex Jazz.
Credit: @mercadojenny Instagram
Marami namang netizens at ilang kapwa celebrities ang nagpaabot ng maligayang pagbati para kay Alex Jazz.
“Happy birthday❤️,” pagbati ni Angel Locsin.
“MALIGAYANG KAARAWAN JAZ 🥰,” sabi ni Fifth Solomon.
Credit: @mercadojenny Instagram
“Happy birthday Jazzy!! Love you!” Ayon kay Aimee Hashim.
“Pogi! Happy birthday jazz❤️❤️❤️,” komento ni Katrina Halili.
Hindi rin napigilan ng mga netizens ang pagpuna sa “good looks” ng anak ni Jennylyn. Marami ang nagsasabing parang “mini-me” ng kanyang Daddy na si Patrick Garcia si Alex Jazz pero may iilan din na nagsasabing may namana rin si Alex Jazz sa kanyang Mommy Jennylyn.
Credit: @mercadojenny Instagram
Noon pa man ay marami na ang nakakapansin sa kagwapuhang taglay ni Alex Jazz at ngayon na nagbibinata na ay mas lalo iyong napapansin ng karamihan. Sa katunayang parehong sikat na personalidad ang mga magulang ay marami ang umaasang papasukin rin ni Alex Jazz balang-araw ang industriya ng showbiz.