Anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz, binata na at humakot ng papuri dahil sa angking kagwapuhan

Isa mang sikat na aktres sa mundo ng showbiz at may reputasyon mang inaalagaan si Jennylyn Mercado ay hindi naman niya itinago sa publiko ang anak sa dating boyfriend na si Patrick Garcia. Sa halip ay sobrang proud pa nga niya itong ipinapakita sa publiko.

Credit: @mercadojenny Instagram

Kamakailan lamang nang nagbakasyon ang mag-ina sa The Farm At San Benito, Lipa, Batangas upang makapag-relax at para na rin makahanap ng kapayapaan sa tulong ng kalikasan. Sa ibinahaging larawan ng aktres sa kanyang Instagram account ay makikitang kasama niya ang anak na si Alex Jazz na halos ay kasing tangkad na niya.

Credit: @mercadojenny Instagram

Makikita sa larawan na masayang nakayakap si Jennylyn sa anak habang ang kamay naman ni Alex Jazz ay nasa bewang ng ina at seryosong-seryoso ang mukha nang kinukunan ng litrato.

Credit: @mercadojenny Instagram

“Communing with nature with my Jazzy at @thefarmatsanbenito. Jazzy serious yarn?😂,” sulat ng aktres sa kanyang caption.

Marami naman ang natuwa sa napakaseryosong mukha ni Alex Jazz. May ilan ring hindi maka-move on sa kagwapuhan ng binatang anak ni Jennylyn na ngayon ay 12 taong gulang na.

Sa comment section ng post ni Jennylyn ay inulan ng papuri ang kanyang anak. Hindi rin napigilan ng ilang kapwa celebrities ang magkomento tungkol kay Alex Jazz.

“Grabe may binata na akong inaanak! 😍 Pogi ni Jazzy Boy! ❤️,” pagkomento ng Ninang ni Alex Jazz na si Yasmien Kurdi.

Credit: @mercadojenny Instagram

“Laki na ni Jazz! ❤️ Gwapo gwapo!” Papuri naman ni Chynna Ortaleza-Cipriano.

Marami namang netizens ang humanga sa kagwapuhang taglay ni Alex Jazz na namana niya kay Jennylyn at sa ama na si Patrick Garcia.

“Ang big boy na tlaga 😍”

“May pagka patrick garcia 😍”

Credit: @mercadojenny Instagram

“Hi Pogi!!! Ang tangkad na po niya ❤️❤️❤️”

Kumakailan lamang nang nagbahagi ulit ang aktres ng larawan ng binatang anak sa Instagram kung saan ay makikitang nag-eenjoy ito sa paglangoy.

“Handsome gator spotted! 🥰” Sabi ni Jennylyn sa kanyang caption.

Muli ay inulan si Alex Jazz ng papuri galing kay Marian Rivera at sa mga netizens. Hindi naman kasi talaga maitatanggi ang head-turning na kagwapuhan ng anak ni Jennylyn at dahil ngayo’y nagbibinata na ay mas kapansin-pansin na ito para sa karamihan.

Credit: @mercadojenny Instagram

Ang bilis nga lang ng pagdaan ng panahon at ngayo’y binata na ang anak ni Jennylyn na si Alex Jazz, at may potensyal nga namang sumunod sa yapak ng mga magulang sa pag-aartista.