Anak ni Jhong Hilario na si baby Sarina, kinagiliwan dahil sa pagiging cute na “mini me” ni Darna

Alam mo ba na isang fan si Jhong Hilario sa sikat na superhero na si Darna? At mukhang hindi lamang siya dahil mukhang naimpluwensyahan din niya ang kanyang anak na si baby Sarina.

Credit: @jhonghilario Instagram

Hindi lamang pisikal na anyo at ugali ang namamana ng mga anak sa kanilang mga magulang dahil ang kanilang mga hilig ay tila nananalaytay din sa ating dugo katulad na lamang ni Jhong na may napakalaking admiration pala kay Darna na kalaunan ay naipasa niya rin sa kanyang anak.

Simula nang pinasok ang mundo ng showbiz, patuloy na tayong pinapabilib ni Jhong dahil sa kanyang talento sa pag-arte. Kahit anumang roles ang ibigay sa kanya, binibigyan niya ito ng buhay dahilan kung bakit laging patok sa mga manonood ang bawat teleserye o pelikulang pinagbibidahan o hindi kaya’y kinabibilangan niya. Maliban dito, may ipinagmamalaki rin na groove ang aktor sa pagsayaw. Talagang isa siyang multi-talented na celebrity!

Credit: @jhonghilario Instagram

Ngunit sa likod ng kanyang katangian na idini-display sa harap ng kamera, isa palang fan ang aktor sa Pinay superhero na si Darna at mukhang hindi lamang nanatili sa kanya ang paghangang nararamdaman dahil pati si baby Sarina ay nahawa na rin!

Sa pinakabagong post ni Jhong sa kanyang Instagram account, makikita ang mga larawan ni baby Sarina habang nakasuot ito ng costume at nag-ala “mini me” ni Darna.

“DARNA tuloy-tuloy na talaga! 😃 Directed by the one and only Chito S. Roño,” sulat ng aktor sa kanyang caption.

Credit: @jhonghilario Instagram

Hindi lamang basta-bastang costume ang suot ni baby Sarina dahil ginaya niya talaga si Darna. Mula sa headgear hanggang sa damit ay kuhang-kuha niya ito dahilan kung bakit marami sa followers ni Jhong ang nagsabing “mini me” umano siya ng sikat na superhero.

Masasabi naman na sanay na sanay na si baby Sarina na kinukuhanan siya ng litrato dahil makikita naman sa ibinahaging mga larawan ng kanyang Daddy Jhong na nakatingin talaga siya sa kamera at nakangiti pa! Sa napakamurang edad, napaka-pro na niya sa ginagawa.

Opisyal nang inanunsyo sa publiko ang muling pagbabalik ni Darna na pagbibidahan ng batang aktres na si Jane de Leon pero mas nararamdaman na ngayon ng netizens ang pinakahinihintay na pagbabalik ng sikat na superhero dahil sa paggaya ni baby Sarina sa iniidolong superhero nila ng ama.

Credit: @jhonghilario Instagram

Kitang-kita ang resemblance nila ng Pinay superhero, talagang pasado si baby Sarina upang maging “mini me” ni Darna!