Matatas at sanay nang magsalita sa wikang Ingles ang mga anak ni boxing champ-senator Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao tulad na lamang ng kanilang anak na babae na si Mary. Sa kanyang mga YouTube vlog ay wikang Ingles ang madalas na gamitin ni Mary kapag siya ay nagsasalita. Kaya naman isa sa mga request ng kanyang mahigit 1 milyong subscribers sa YouTube na gumawa siya ng isang vlog kung saan ay magsasalita lamang siya sa wikang Tagalog.
Credit: Mary Pacquiao YouTube
Sumabak nga si Mary sa nauusong challenge ngayon sa YouTube na “Tagalog for 24 Hours” challenge kamakailan at ang kanyang vlog sa ngayon ay mayroon nang mahigit 1 milyong views!
Sa simula ay sinabi muna ni Mary na hindi siya gaanong “fluent” magsalita sa Tagalog ngunit mas “stronger” umano siyang magsalita gamit ito kaysa Bisaya o Cebuano. Ngunit aniya, huwag umanong mag-alala ang kanyang subscribers dahil sa susunod ay gagawin naman niya ang “Bisaya Challenge”.
Aniya, “In this video, I’m going to do a Tagalog for 24 Hours challenge. I couldn’t do Bisaya again because I needed a lot of help and my mom isn’t here and my sister is tired. I’m not that fluent with it but it’s the one I’m most stronger at.”
Credit: Mary Pacquiao YouTube
Pagkatapos na pagkatapos niyang maligo ay sinimulan kaagad ni Mary ang pagsasalita sa Tagalog. At habang nagsasalita ng Tagalog, ipinaliwanag ni Mary sa kanyang mga subscriber na gagawa siya ng mini-photoshoot sa labas ng kanilang bahay.
Samantala, kapansin-pansin naman na madalas nauubusan ng salita si Mary habang siya ay nagsasalita ng Tagalog kaya naman minsan ay nakakapagsalita siya sa wikang Ingles at Bisaya.
Kasama naman ni Mary ang kanyang kapatid na si Queenie na siyang gumawa ng kanyang make-up para sa kanyang gagawin na mini-photoshoot.
Credit: Mary Pacquiao YouTube
Ngunit bago siya minake-upan nito ay nagbigay muna ng isang mabilis na “closet tour” si Mary.
Sa kanyang tour ay ipinakita niya ang kanyang bags, dresses, damit para sa kanyang school, at mga damit na sinusuot nila ni Queenie kung sila ay magsisimba.
Hindi naman nagawang magsalita ni Mary nang tuloy-tuloy sa Tagalog habang nagbibigay siya ng closet tour dahil minsan ay hindi niya namamalayan na nagsasalita na pala siya sa Ingles.
Gayunpaman, natapos ni Mary ang challenge kahit pa madalas ay nagsasalita siya sa Ingles. Sinabi rin ni Mary sa kanyang vlog na abangan ng kanyang mga subscriber ang gagawing full house tour ng kanyang Mommy Jinkee sa YouTube channel nito.
Credit: Mary Pacquiao YouTube
Kagaya naman ng madalas niyang sinasabi sa huling bahagi ng kanyang mga vlog ay pinasalamatan ni Mary ang mga taong sumusuporta sa kanya at sa buong Pacquiao family.