Si Elias Modesto, ay anak ng parehong artista na sila John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanyang ikatlong kaarawan. Nagkaroon siya ng double party na parehong may tema na Spiderman na personal na inorganisa ng kanyang mga magulang.
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
Ipinagdiwang ni Elias ang kanyang kaarawan noong Linggo, Hunyo 27 ngayong taon at idinaos ang espesyal na araw kasama ang mga magulang sa magkakaibang araw.
Bilang pagbati ni John Lloyd sa kaarawan ng unico hijo na si Elias, ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang larawan ng anak kung saan ay masaya itong nakahawak sa isang red balloon.
“hbd anak 🎈,” sulat ng aktor sa kanyang caption.
Credit: @iammajasalvador Instagram
Inulan naman ng pagbati si Elias galing sa mga fans at followers ng kanyang ama. Marami rin ang nagpaabot ng kanilang mga mensahe.
“Happy birthday Elias ❤️❤️❤️❤️ lumaki ka sanang katulad ni Daddy mo 😉”
“Happy Birthday, Baby Elias. ❤️❤️❤️”
Credit: @johnlloydcruz83 Instagram
Bago ang araw ng kaarawan ni Elias ay nagkaroon siya ng simple at intimate Spiderman-themed birthday party kasama ang ama sa rest house nito sa Batangas. Makikita naman sa mga ibinahaging mga larawan at video ni Maja Salvador, ang CEO ng Crown Artist Management na siyang kinabibilangan ni John Lloyd, sa kanyang Instagram sa ginanap na party para sa birthday ni Elias.
Makikita sa isa sa mga videos ang pagtulong at pagsabay ni John Lloyd Cruz sa pag-ihip ng mga candles sa cake ng anak.
View this post on Instagram
Binati rin ni Maja ng maligayang kaarawan sa Instagram si Elias na naging malapit na rin sa kanya dahil sa pagiging magkaibigan nila ng ama nito na si John Lloyd.
Credit: @iammajasalvador Instagram
Sa mismong araw ng kaarawan ni Elias ay nagkaroon ulit siya ng birthday party sa parehong tema na Spiderman na mismong inorganisa ng kanyang Mommy Ellen sa bahay ng kaniyang fiancé na si Derek Ramsay.
Credit: @iammajasalvador Instagram
Makikita naman ang naging kaganapan sa birthday ni Elias sa mga litratong ibinahagi ni Ellen at Derek sa kani-kanilang Instagram accounts.
Makikita naman sa mga bidyung ibinahagi ng dalawang artista na talagang nag-enjoy si Elias sa pakikipaglaro sa kapwa mga bata habang nakasuot ng Spiderman costume.
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
“Happy Birthday My ❤️” pahayag ni Ellen sa kanyang caption nang nagbahagi ng iilang larawan galing sa birthday ni Elias.
View this post on Instagram
Hindi man parehong kasama ni Elias ang mga magulang sa mismong araw ng kanyang kaarawan ay naging masaya naman siya dahil nagkaroon siya ng double birthday party na nakabase sa kanyang kinagigiliwang karakter na si Spiderman.