Anak ni Jose Manalo na si Benj, emosyonal matapos ikwento kung paano binago ni Lovely Abella ang kanyang buhay

Napuno ng emosyon ang pag-iisang dibdib nina Lovely Abella at Benj Manalo matapos nilang balikan kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Credit: @lovelyabella_ Instagram     

Nitong January 23, ikinasal ang dating Wowowee dancer sa kanyang longtime partner na anak ni Eat Bulaga host Jose Manalo na si Benj.

Marami nga ang naluha matapos ikwento ni Benj kung paano binago ni Lovely ang kanyang buhay.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Sa kanyang post sa Instagram, inilarawan ni Benj ang kanyang sarili bilang “lost”, “broken” at “hopeless” bago niya makilala si Lovely.

Noong hindi pa nga niya nakikilala si Lovely, akala ni Benj na sa pelikula lamang niya makikita na nagbabago ang buhay ng isang “bida” pagkatapos dumating ang taong nakatakda para sa kanya.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Ayon kay Benj, nagbago umano ang lahat ng kanyang paniniwala matapos niyang makilala si Lovely.

Ani Benj, “Lost. Broken. Hopeless. Ito ang mga bagay na dala ko sa buhay ko bago kita makilala, dati kala ko sa pelikula ko [lang] makikita [‘yung] pagbabago ng buhay ng bida ‘pag dumating [‘yung] isang tao na para sa kanya. Hindi pala. Dahil binago mo lahat [‘yun] nung nakilala kita.”

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Inamin ni Benj na marami siyang “katanungan” noong nag-uumpisa pa lamang ang relasyon nila ni Lovely. Isa na nga rito ay kung kaya ba niyang maging ama sa anak ni Lovely na si Crisha Kaye.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Ani Benj, “Sabi ko sa sarili ko, kaya ko ba buhayin ka? Pano [‘yung] anak mo mabibigay ko ba [‘yung] pagmamahal na parang tunay na ama sa kanya? Madaming katanungan pero inalalayan mo ako, pinaniwala mo ako na possible lahat basta nag tutulungan at nagkakaunawaan.”

At ngayong kasal na nga sila ni Lovely, ipinahayag ni Benj ang kanyang kasiyahan dahil wala na raw kasi umanong makapaghihiwalay pa sa kanila lalo na’t ang Diyos ang sentro ng kanilang relasyon.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Hindi rin maiwasan ni Benj na ihayag kung gaano siya kasaya dahil tanggap siya ng anak ni Lovely.

“Ang sarap sa pakiramdam dahil tanggap ako ng anak NATIN,” ani Benj.

Ipinahayag din ni Benj kung gaano siya kasaya dahil natupad niya ang ipinangako niya sa tatay ni Lovely.

Ani Benj, “Sarap sa pakiramdam kasi natutupad ko [‘yung] mga pangako na binitawan ko sa daddy mo nung bago palang tayo. Sarap sa pakiramdam na [‘yung] kala mo simple lang ang wedding pero nabigay ko [‘yung] simple pero puno ng pagmamahal na pag iisang dibdib natin. Magical sobra.”

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Dagdag ni Benj, “Sarap sa pakiramdam na araw araw ko pa lalo mapapasaya [‘yung] babae na umalalay sakin nung walang wala ako. Ang sarap sa pakiramdam na natupad ko [‘yung] sinabi ko kay mamang na hindi kita iiwan at ikaw ang pakakasalan ko. Higit sa lahat napakasarap sa pakiramdam na iisa na tayo. Mahal kita Mrs. Manalo.”