Anak ni Kapuso actress Sheena Halili na si Martina, nagbihis bilang si Pocahontas sa kanyang ika-7 buwang kaarawan

Isa ang aktres na si Sheena Halili sa mga celebrity mommy na talagang pinaghahandaan ang buwanang kaarawan ng kanyang baby.

Credit: @mysheenahalili Instagram

Noong December 12 ay matatandaang isinilang ni Sheena ang panganay na anak nila ng kanyang asawang si Atty. Jeron Manzanero na si baby Martina. At mula nang dumating si baby Martina sa buhay nilang mag-asawa ay sinisigurado naman nilang bawat milestone sa buhay nito ay memorable at masaya.

Kabilang nga sa mga paraan nina Sheena at Jeron para gawing hindi malilimutan ang milestones sa buhay ni Martina ay ginagawa nila itong extra-special.

Tulad na lamang ng monthly birthday celebration ni baby Martina kung saan ay naisip nilang mag-asawa na gawing Disney-inspired.

Mula noong one-month old si baby Martina ay todo-effort si Sheena at Jeron para mabigyan ito ng isang cute monthly birthday celebration.

Credit: @mysheenahalili Instagram

At nakakabigla man ang mabilis na paglipas ng panahon ngunit nito lamang July 12 ay ganap nang pitong buwang gulang si baby Martina.

Sa kanyang pitong buwang kaarawan ay nagbihis bilang si Pocahontas si baby Martina na talaga namang kinaaliwan ng maraming netizens.

Makikita sa Instagram account ni Martina na mina-manage nina Sheena at Jeron ang ilang nakakaaliw na letrato nito suot ang isang Pocahontas-inspired dress.

Credit: @martinahalilimanzanero Instagram

Hindi maiwasan ng maraming netizens na panggigigilan si baby Martina dahil sa kanyang suot na kulay brown na knitted-dress, headband at mahabang black hair wig.

Sa isang larawan naman ay makikita na nagpalit ng all-pink dress si baby Martina na bagay na bagay sa napaka-cute rin ng kulay pink backdrop design ng kanyang birthday photoshoot. Ayon sa post ni Sheena, gawa ng international Pinoy event designer na si Gideon Hermosa ang nasabing pink-floral backdrop design.

Samantala, kanya-kanyang komento naman ang netizens sa mga cute birthday photos ni baby Martina.

Credit: @martinahalilimanzanero Instagram

“Omg, favorite ko talaga tong baby na to..so cute…I want to cry…”

“Kakagigil nemen yern cute”

“Waaaa ang cutie cutie naman ng baby martina na yan”

Credit: @mysheenahalili Instagram

“I like your ideas Martina…nakakaaliw talaga..di nakakasawa tingnan ang life doll mo”

“Pakurot sa pisngi! Huhu cuteness overload!”