Anak ni Kapuso actress Yasmien Kurdi na si Ayesha Zara, pinatawa ang netizens dahil sa inimbentong kanta tungkol sa utang

Kilala si Yasmien Kurdi ng lahat bilang isang magaling na aktres at mang-aawit. Kaya hindi na nakapagtataka kung ang unica hija nitong si Ayesha Zara ay nahihilig din ngayon sa musika.

Credit: Yasmien Kurdi Facebook         

Sa murang edad ni Ayesha, ay marami na ang humahanga sa kanyang musical talent na mukhang namana niya sa kanyang Mommy Yasmien.

Credit: Yasmien Kurdi Facebook

Kamakailan lamang ay nag-viral si Ayesha matapos nitong ipamalas ang kanyang galing sa pagtugtog ng piano.

Sa video na i-pinost ni Yasmien sa kanyang official Facebook account nitong October 7, ay mapapanood si Ayesha na walang kahirap-hirap na tinutugtog ang isang kanta sa kanyang piano. Bukod sa angking galing sa pagtugtog ng piano, agaw-pansin din ang lyrics ng kanta na kinakanta ni Ayesha.

Credit: Yasmien Kurdi Facebook

Tila maraming netizen kasi ang natamaan at naka-relate sa mensahe ng kanta na kinakanta ni Ayesha na tungkol sa ‘utang’.

Credit: Yasmien Kurdi Facebook

Sa caption ng Facebook post, ay ikwenento ni Yasmien na mahilig daw talagang magbiro ang kanyang pitong taong gulang na anak.

Credit: Yasmien Kurdi Facebook

Ani Yasmien, “Kalokohan po ng anak ko 😂🤦🏼‍♀️🤣 Kulang kulang kulang utang mo, bayaran mo ang utang mo 😂😂😂 Pambihira ka talaga #AyeshaZara #Kalokohan101 #Parasamgamayutang #FurElise”

Sa comment section ay bumaha ang samu’t saring reaksyon ng netizens sa video ni Ayesha. Marami ang humanga kay Ayesha dahil napakagaling nitong tumugtog ng piano. Sa murang edad din ni Ayesha, ay kaya na nitong gumawa ng kanta. Komento ng netizens:

Credit: Yasmien Kurdi Facebook

“Ganda nmn Ng kanta ni ayingying hehe natatawa ako. Good job Ayesha galing m nmn mg piano npaka talented Mong Bata.”

Credit: Yasmien Kurdi Facebook

“Hahaha napangiti mo ako baby girl… You’re so cute smart girl..naalala ko tuloy mga may utang sa akin na di nagbabayad hahaha”

Credit: Yasmien Kurdi Facebook

“Parang maganda naimbento mong kanta bebe ayesha kasi bulod sa nkakatuwa na mkatotohanan pa hehehehe”

“Wow galing ni Ayesha sapul mga utangera 🤣🤣🤣 Ayesha napatawa ko ngayon umaga sa kanta mo”

Credit: Yasmien Kurdi Facebook

“Galing mo talaga, kakaaliw, dami ko tawa love it ayesha ❤❤❤”

Maliban sa kanyang piano lessons, ay pokus din ngayon si Ayesha Zara sa kanyang online classes.
January 25, 2012 ay ikinasal sa isang civil wedding ceremony sina Yasmien at kanyang asawang si Pilot Rey Soldevilla.

Credit: Yasmien Kurdi Facebook

November 22, 2012 naman ay isinilang ng aktres ang kanilang anak na si Ayesha Zara.