Anak ni Karla Estrada na si Magui, nakaalis na patungong ng Australia para doon mag-aral ng kolehiyo

Isang napakagandang regalo para sa mga nagpupursigeng magulang ang makita ang achievements ng kanilang mga anak. Lahat ng pagod at sakripisyo para mapag-aral ang mga anak ay masasabing worth-it lalo na kapag nakikita ng mga magulang ang kanilang mga anak na binibigay din ang kanilang lahat para maayos na makapagtapos ng pag-aaral.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Ganyan din ang aktres at host na si Karla Estrada sa kanyang anak na si Magui. Noong nakaraang taon ay masayang ibinahagi ni Karla sa kanyang Instagram account na natanggap sa nangungunang kolehiyo sa Australia ang kanyang dalagang anak. Ang prestihiyosong uniberisdad na papasukan ni Magui ay ang University of Melbourne.

“C0ngratulations my dearest ate for getting int0 Australia’s #1 university! Y0u g0t it anak! w000h0000!!!” pagbati ni Karla sa natamong achievement ng kanyang anak.

Kamakailan lang ay nilisan na ni Magui ang Pilipinas at lumipad na papuntang Australia bilang paghahanda sa pagsisimula ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo doon.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Sa kanyang social media ay nagpost si Karla ng mga letrato ng paghatid kay Magui sa airport. Dito ay nakita ang mga mahigpit na yakap na ipinabaon nila kay Magui.

Sinabi ni Karla kung gaano sila ka-excited para sa anak na si Maggie at sa kanyang bagong pakikipagsapalaran sa ibang bansa.

“Y0ur 0ff t0 a great future anak, @magsford..🙏🏻 we are all excited f0r y0u!”

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Dagdag pa ni Karla, “S0ar high and Sh0w the w0rld h0w brave y0u are. We will always be here Praying, supp0rting and cheering for y0u. We l0ve y0u ate @magsford.🤍”

Maging ang mga kaibigan sa showbiz ni Karla ay nagpaabot ng kanilang mensahe para sa dalagang anak ni Karla na si Magui.

“Wahhhhhh have a safe flight!! We are proud of you @magsford ❤️”

“Laban chambeee😢 gogogo magui @magsford”

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

“🙌❤️😍👏❤️ make Your mama (even more) proud Magui praying for your journey ahead!”

“My inaanak Ingat and congratulations ❤️🔥👏”

Tuluyan na ngang nagtungo ng Australia si Magui pagkatapos niyang i-celebrate ang kanyang kaarawan sa Pilipinas.